Isang quick beach getaway vlog ang hatid sa atin ngayon ni Vien Iligan-Velasquez kung saan ibinahagi nito ang kauna-unahang beach experience ng kanyang bunsong anak na si Alona Viela.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Vien ang naganap na beach trip kasama ang asawang si Junnie Boy at mga anak na sina Mavi at Viela. Kasama rin ng pamilya Velasquez ang ilang Team Payaman members gaya ng mag asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar.
Ayon sa 25-anyos na vlogger, ang nasabing bakasyon ay bilang reward na rin sa kanilang mga sarili matapos mag trabaho.
“Quick getaway with the family, friend, new-found friends,” ani Vien Iligan-Velasquez.
“Quick getaway lang tayo kasi medyo madami tayong tinrabaho lately and kailangan din namin mag celebrate kasi nagiging masipag na rin ang Daddy (Junnie) ko,” dagdag pa nito.
Para naman kay Junnie Boy, kasabay na rin ito ng selebrasyon ngn kanilang monthly anniversary, bagamat bihira na nila itong ipagdiwang.
“Ganun siguro talaga pag may pamilya ka na, hindi na uso yung monthsary-monthsary,” paliwanag ni Vien.
“Ang mahalaga mahal namin ang isa’t-isa, wala kaming iba!” dagdag pa nito.
Samantala, ang quick beach getaway nina Vien ay nagsilbi ring first time beach experience ng kanilang bunsong anak na si Alona Viela.
Nagtungo ang grupo ang Punta Fuego sa Batangas kung saan sumakay si Viela sa isang speed boat sa unang pagkakataon.
Cute na cute naman si Viela sa suot ang pink headphones para hindi marinig ang ingay ng speed boat.
Sa nasabing beach trip, iminulat din nina Mommy Vien at Daddy Junnie sa bagong karanasan si Baby Viela.
“Dahil first (time sa) dagat ni Viela, ita-try natin ibabad ang kanyang paa sa sand,” ani Mommy Vien.
Samantala, matapos ang quick beach trip ay diretso food trip ang grupo sa Tagaytay City.
Watch the full vlog below:
Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…
"Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
This website uses cookies.