Dudut Lang Spends P98,000 for Cong TV’s Motorcycle Makeover

Ilang buwan matapos maaksidente si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, isang vehicle makeover ang hatid nito kay Cong TY at sa kanyang mga manonood. 

Bilang kompensasyon sa tinamong sira ng motor ni Cong TV noong siya ay naaksidente, binigyan ni Dudut ng bagong bihis ang motor ng kaibigan. 

Pimp my Burgman

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Dudut ang kaniyang mga pinagdaanan matapos muling pagandahin ang motorsiklo ng kaibigan nitong si Cong TV.

Matatandaang motorsiklo ng nasabing YouTube vlogger ang gamit ni Dudut matapos itong maaksidente noong nakaraang buwan.

Bilang pagtanaw ng utang na loob, minabuti ni Dudut na ibalik ang dating ganda ng motorsiklo ni Cong.

“Ito yung motor na gamit ko noong ako ay naaksidente. Ngayon ay oras na siguro para ipa-ayos ko s’ya,” ani Dudut.

Agad na dumiretso si Dudut sa malapit na talyer upang magtanong-tanong kung matutulungan ba ito sa kanyang pakay. Matapos mag canvas, agad na bumalik si Dudut upang itanong kung tama lang ba ang singil sa kaniya ng napuntahang talyer.

“Pakita ko lang yung babayaran kasi si Bossing yung magbabayad eh. ‘Di ko kaya kasi ‘tong total eh!” kwento ni Dudut sa mga kaibigan. 

Laking gulat ng mga ito nang makitang tumatangingting na P98,200 ang kailangan bayaran para sa mga piyesang kakailanganin sa nasabing makeover.

“Nakakainit ng ulo eh! Ibalik mo dito yung motor, i-pull out mo ‘yan. Hindi ko babayaran ‘yan!” inisyal na reaksyon ni Cong TV.

Motorcycle Makeover

Ilang sandali lang ay napapayag na rin ni Dudut si Cong TV na ipagpatuloy ang pagpapagawa ng kanyang motor sa Jawo Motoshop na pagmamay-ari ng moto vlogger na si Jawo Motovlog.

“Ito na pre! Tatanggalin natin ang nakaraan. Tatanggalin natin ang semplang ni Dudut!” bungad ni Jawo sa kaibigan.

Walang pag–aatubiling ibinida ni Jawo ang bagong gawang motorsiklo ni Cong TV na talaga namang animo’y brand new sa ganda. 

“Ang ganda! Ang ganda boss!” reaksyon ni Dudut.

“Gwapo par, matutuwa si Bossing nito!” komento naman ni Boss Keng.

Buong galak na sinilip ni Cong TV ang kanyang motor matapos ipaubaya kay Dudut ang pagbabalik-alindog nito.

“Wow! Ang ganda! May bakas pa rin (pero) ang ganda nito. Ako lang ang meron nito!!” ani Cong TV.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.