Heartwarming Messages for Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar’s Gender Reveal

Kaliwa’t-kanang pagbati ang natanggap ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar matapos ang matagumpay na gender reveal party para sa kanilang panganay na anak. 

Bukod sa mga pagbati sa kaarawan ni Mrs. Gaspar, labis din ang naging pasasalamat ng soon-to-be-parents ni Little Keng sa kanilang mga kaibigan at pamilya.

Team Payaman Greetings

Kasabay ng kaarawan ni Pat Velasquez-Gaspar ay ang pinakahihintay na araw ng gender reveal ng kanilang ipinagbubuntis na supling.

Ang nasabing gender reveal ay dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan, pamilya, at mga kasamahan sa loob ng Congpound.

Matapos mapag-alaman na lalaki ang kasarian ng kanilang unang anak, labis din ang kasiyahan at emosyon na naramdaman ng kanilang kapwa Team Payaman members. 

Viy Cortez: “Congrats Pat Velasquez-Gaspar and Exekiel Christian Gaspar! Excited na ako na magsuntukan sila ni Kidlat!”

Tita Krissy Achino: “Congratumalations, Boss Keng & Sis Pat!!! Nakakatuwang makita na pagkatapos ng ilang taong pagdarasal, finally, nandito na ang munting regalo ng Diyos sa inyo para makumpleto ang pamilya niyo! Sabi ko nga, mababait kayong mga kaibigan, mapagmahal na mga kapamilya, at mga taong may takot sa Diyos… kaya no doubt na mapapalaki ninyo ng maayos ang anak niyo. But don’t worry, we’re just here to help you two along the way as you quest your #ParenthoodJourney. God bless your cute lil’ fam, #TeamVelasquezGaspar! And we can’t wait to meet you, #LittleBaby! Mwah xoxo!!!”

Clouie Dims: “Ang unang paglipad. Congrats mga bes, Pat Velasquez-Gaspar & Ezekiel Christian C. Gaspar!!! Love you, three!!!”

Kevin Hufana: “First time ko magkamali sa hula ng gender. Kala ko pa naman ako na ang next Rudy Baldwin. Eme! Pero congrats, mga bes! Happy ninong na naman akis!” 

Hindi rin napigilan ng soon-to-be-daddy na si Boss Keng na ibahagi ang kanyang nakakatawang litrato kasama ang kanyang misis.

Boss Keng: “Sorry mommy, yayakap ka pala. HAHAHAHA!!!”

Netizens’ Reactions

Hindi naman magkamayaw ang mga manonood at taga-suporta ng Team Payaman matapos masaksihan ang nasabing gender reveall

Rose Anne Formilles: “Isang bata na naman ang isisilang na mapapaligiran ng mabubuting tao at may mapagmahal na pamilya. Congrats PatEng!”

ella ü: “Grabe! All boys ang panganay ng 3/4 ng velasquez sibs!! Sooo excited na ma-meet ang little BK!! Ang 3 kings ni Vielaaaa. Lagot talaga ang future suitors! hahaha”

Marl Antonette Obenza: “Nakaka touch talaga yung yakap at halik nang pamilya. Yung yakap nang nanay at dalawang kuya sa huli. For me one of the best highlights”

Sophia Ramirez: “Pinaka-unique na theme ng Gender reveal ‘to. Simple pero ang nostalgic sa feeling!”

HIRAYA: “Mavi ni Junnieboy, Kidlat ni Cong, Yui ni Rogerraker, tas eto kinompleto ni Boss Keng. Another generation ng Team Payaman boys for our kids in the future! Lezgo!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

20 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.