Team Payaman Tours SVD Farm – a Prayer Sanctuary in Tagaytay City

Food for the soul ang hatid ngayon ni Junnie Boy matapos ilibot ang kanyang manonood sa SVD Laudato Si’ Farm – isang agricultural farm at prayer sanctuary sa Tagaytay City. 

Pero paano nga ba napadpad ang Team Payaman sa retreat house na ito?

Car Blessing

Dahil napapadalas ang gasgas ng bagong sasakyan ni Junnie Boy, naisipan nitong ipa-bless na ito sa simbahan ng sa gayon ay magkaroon din ng gabay ang kanilang paglalakbay. 

Ayon kay Junnie, sa oras na malaman ito ng kanilang ama na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout, ay siguradong yayayain sila nitong ipa-bless ang sasakyan sa SVD Farm kung saan namamalagi ang kanilang pinsan na pari na si Father Sam. 

Kasama ang buong Pamilya Velasquez, nagtungo ang buong tropa sa SVD Laudato Si’ Farm sa Tagaytay City para ipa-bless ang bagong sasakyan kasabay ng Lincoln Navigator ni Cong TV. 

Team Payaman Donation

Pagdating sa nasabing lugar, agad pinabasbasan ang sasakyan nina Junnie at Cong at saka lumibot sa limang ektaryang lupain ng SVD Farm. 

Dito nakita nila Junnie Boy ang diumanoy donasyon ng Team Payaman na rebulto ng Most Sacred Heart of Jesus.

“Hindi ko alam may na-donate na pala ang Team Payaman dito. Hindi ko alam kung Team Payaman o Cong TV lang ‘to,” biro ni Junnie 

“Donation pala namin, parang wala akong nilalabas, bigla akong nagkaroon ng donation,” dagdag pa nito. 

Nilibot din sila ni Father Sam sa nasabing lugar kung saan tampok ang atraksyon na “Seven Sorrows of Mary.” Paliwanag ng pari, ang mismong istraktura ng lugar ay mayroon ding kinalaman sa espirituwal na buhay ng tao. 

“Bago ka makarating sa Puso ni Hesus, dadaan ka muna sa mga sorrows ng buhay. The way to the Heart of Jesus is the Sorrows of the Blessed Mother,” ani Father Sam.

“So if you embrace your own sorrows in life, you are being led slowly to the Heart of Jesus because the ultimate highest expression is the Heart of the Son,” dagdag pa nito.

Samantala, biniro naman ni Cong TV ang kanyang ama matapos makita na ang donasyon sa nasabing imahe ay nakapangalan kiina Mr. & Mrs. Marlon Velasquez and family. 

“Grabe ang ‘ligtas points’ ni Pareng Val! Plus 1,000 ang ligtas points talaga!” ani Cong TV.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

3 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

14 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.