Isa na namang katakam-takam na pagkain ang hatid ngayon ng resident cook ng Team Payaman na si Jaime de Guzma, a.k.a Dudut Lang.
Sa pagkakataong ito, kasama ni Dudut si Boss Keng sa paghahanda at pagluluto ng Sisig na ihahain nila sa mga kasamahan sa Congpound.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Dudut ang isang masayang pagluluto ng Sisig kasama ang kapwa vlogger at matalik na kaibigan.
“Ang lulutuin natin yung paborito mo… Sisig!” panimula ni Dudut.
Walang pag-aatubili na sinimulan ng dalawa ang pagluluto ng kanilang Homemade Sisig sa pamamagitan ng paghihiwa ng tenga ng baboy.
Hindi pa man nagtatagal ay nagpakitang gilas na agad si Boss Keng sa kanyang “balahibo hack” na natutunan daw niya sa TikTok.
“Nakikita n’yo yung balahibo na ‘yan? Napanood ko sa TikTok ‘yan [pinapainitan para matanggal ang balahibo]” pagbabahagi ni BK.
Pagkatapos maghiwa ay inihaw nina Boss Keng at Dudut ang mga tenga ng baboy para maging malutong ang mga ito.
Hindi pa man nangangalahati sa proseso ng pagluluto ay agad na tinawag si Boss Keng ng kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar para alamin kung ano ang ginagawa nito.
“Nakikikain ka sa ibang bahay?” tanong ni Pat.
“Hindi ako nakikikain. Para may ulam tayo, nagluluto kami,” paliwanag ni Boss Keng.
Matapos mag ihaw ay sumabak naman sa “Hiwa Challenge” sina Dudut at Boss Keng.
“Nagkamali ka ng kinalaban. Hindi mo alam magaling akong humiwa!” saad ni Boss Keng.
“Ako kakalabanin mo eh kaya nga Dudut’s Kitchen eh. Lugar ko ‘to! Kusina ko ‘to!” biro naman ni Dudut.
Matapos ang paghihiwa ay sabay na tinimplahan nina Dudut at Boss Keng ng iba pang mga sangkap ang kanilang Sisig.
Ilang sandali lang ay ready na ang Sisig ala Dudut x Boss Keng na talaga namang approve sa kanilang mga kasamahan sa Congpound.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.