Cong TV and Viy Cortez Spends a Nostalgic Valentine’s Day Date

Bagamat busy sa kani-kanilang mga negosyo, naitawid pa rin ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez ang kanilang Valentine’s Day date sa simpleng paraan. 

Isang sentimental at tagos sa pusong Valentine’s Day vlog ang hatid ng 26-anyos vlogger/ entrepreneur kasama ang kanyang future husband. 

CongTViy Day

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez ang ilan sa mga kaganapan matapos ang kanyang Valentine’s Day date kasama ang longtime boyfriend at fiance na si Cong TV.

Unang sinurpresa ni Cong ang nobya sa pamamagitan ng isang bouquet of flowers.

“Syempre hindi magpapatalo ang kuya mo Cocon! Binigyan n’ya ako ng pang-Valentine’s. Thank you so much love!” ani Viviys.

“Syempre hindi magpapatalo si Cong, mapapangasawa ko ‘yan eh!” dagdag pa nito.

Matapos masungkit ang Most Popular Creator award mula sa Tiktok Shop Philippines, hindi napigilang magparinig ni Viy sa kanyang nobyo.

“May award ako sa TikTok, sana may award rin ako ngayong Valentine’s [Day]! Sana may award din ako sa’yo,” paglalambing ni Viy.

“Award na?” tanong ni Cong.

“Gusto ko yung award na mula sa’yo!” sagot naman ni Viviys.

Mini Valentine’s Date

Walang pag-aatubili na tinupad ni Cong ang hiling ng kanyang nobya na “award” para sa Araw ng mga Puso.

“Uy, nakakamiss!” ani Viviys matapos silang sumakay ng motorsiklo gaya ng nakagawian noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon. 

Matapos maglibot, naisipan din ng dalawa na mag-merienda ng mga patok na street food sa Pilipinas. 

Pinagsaluhan nina Cong at Viy ang itlog ng pugo, a.k.a Kwek-Kwek na sinamahan ng fishball, squidballs, at malamig na Mountain Dew.

Matapos ang pagkain ng tusok-tusok ay nag round two pa ang dalawa sa pagkain ng ihaw-ihaw  kasama ang ilan sa mga kasamahan nila sa Congpound.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

23 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.