Team Payaman Surprises Tita Krissy Achino for Valentine’s Day

Kaliwa’t kanan ang paandar ng ilan sa mga miyembro ng Team Payaman para sa nagdaang Araw ng mga Puso kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. 

Para naman sa mga single ngayong Valentine’s Day, isang surpresa ang hatid ng ilang TP Wild Dogs para sa nag-iisang Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu. 

Valentine’s Day Trivia

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Carding Magsino ang isang bagong kaalaman tungkol sa pag-ibig.

Matapos malamang single si Tita Krissy Achino ngayong Valentine’s Day, ibayong pag-iingat ang ipinabaon ni Carding rito.

“Alam mo ba na kailangan mong mag-ingat?” tanong ni Carding. 

“Bakit?” sagot naman ni Chino.

“Kasi mayroong tinatawag na Takotsubo Cardiomyopathy o ang Broken-Hearted Syndrome. Isa siyang kundisyon na kung saan humihina yung muscles ng mga puso. Ang nangyayari, nagkakaroon ng ballooning effects kasi humihina yung heart!” pagpapaliwanag ni Carding.

Laking gulat ni Chino nang malaman na totoo ang trivia na hatid ni Carding  na saktong sakto aniya para sa Valentine’s Day.

Valentine’s Surprise

Matapos ang heart-to-heart talk nina Carding at Chino, napagdesisyunan ni Carding na humingi ng tulong sa ilang kasama sa bahay upang surpresahin ang kapwa Team Payaman member sa Araw ng mga Puso.

Kasabwat ni Carding sa nasabing plano sina Aaron Macacua(Burong), Kevin Hermosada, Pat Velasquez-Gaspar, Dudut Lang , at Cong TV.

“Ngayon magva-valentine’s tapos wala siya ka-date, gusto namin yung Valentine’s dadalhin namin sa kaniya! Magpe-prepare tayo ng dinner para sa kaniya” ani Carding.

Game na game namang nakiisa ang mga tauhan sa Congpound sa surpesang inihanda ni Carding para kay Chino. 

“Gusto ko iparamdam sa kanya na hindi na n’ya kailangan ng special someone, nandito naman tayo palagi para sa kanya!” dagdag ni Carding.

Walang pag-aatubiling nagtulong tulong ang TP Wild Dogs sa paghahanda ng kanilang dinner date surprise para kay Chino.

Ilang sandali lang ay dumating na si Chino, at laking gulat nito sa kaniyang nadatnan sa bahay nina Cong TV.

“Parang pinagloloko n’yo ko ah?” biro ni Chino.

 “Ang sabi mo, wala kang Valentine’s. Kaya yung Valentine’s dinala namin sayo kasi mahal ka namin!” panguna ni Carding.

“Mula sa mga pagpapasaya na ginagawa niya sa Team Payaman, sa pagmamahal mo sa amin, gusto lang naming sabihin sa’yo na handa kaming sumalo ng bala para sa’yo!” ani naman ni Cong TV.

Umagos naman ang luha ni Chino matapos masaksihan ang surpresang inihanda ng kanyang mga kaibigan.

“Wala man lalaking nagmamahal sa akin, nandiyan naman kayo parang mga kuya ko na. Wala kasi akong mga kapatid na lalaki kaya sa inyo ko nakukuha yung ganitong pagmamahal!” mensahe naman ni Chino.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.