Mau Anlacan Shares Kilig Reaction Video From #RhoMau Confrontation

Hindi na talaga mapigilan ang kilig na hatid ng tambalan nina Mau Anlacan at Rhomil Francisco, a.k.a #RhoMau na nabuo sa Payamansion. 

Isang reaction video ang hatid ng tambalang RhoMau matapos nitong panoorin ang pagpapatuloy ng kanilang love story sa loob ng Congpound.

Sun and Moon Reaction Video

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mau Anlacan ang kanilang reaksyon sa huling #RhoMau vlog na hatid ni Steve Wijayawickrama.

“Vlog vlog lang ba ‘to? Crush mo ba talaga si Rhomil?” paunang tanong ni Carlo Santos – videographer at editor ni Viy Cortez. 

Simula pa lang ng panonood ay kaliwa’t-kanan na ang hiyawan ng mga Team Payaman members matapos masaksihan ang umuusbong na love story ng dalawa.

Abot tenga naman ang ngiti ni Team Payaman Dancing Queen Mau habang pinapanood ang mga kaibigan na nilaglag siya sa nasabing vlog.

“Guys alam n’yo ba, si Mau ang unang nag-chat kay Rhomil!” kwento ni Kevin Hufana.

“Ako ba talaga?!” patay-malisyang tanong ni Mau. 

Matapos panoorin ang iba pang mga clips, hindi napigilan ng ilang TP Editors na kiligin sa nasabing Congpound Love Team.

“Kinikilig pa rin ako sa inyo!” dagdag ni Carlo.

Pabirong tinanong naman ni Mau si Rhomil kung bakit hindi ito umakyat ng bahay nang yayain niya. 

“Bakit hindi ka umakyat?” tanong ni Mau. 

“Joke lang” mabilis na dagdag nito.

Sa pamamagitan ng isang handshake, nilinaw din nila na silang dalawa ay single at ready to mingle.

#RhoMau Date?

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, sinagot din nina Mau at Rhomil kung saan ba posibleng humantong ang kanilang ugnayan. Sa pag-akyat sa bahay o sa pagpunta sa Wagyuniku by Pat and Keng?

“Vlog vlog lang ba ‘to?” tanong ni Carlo.

“Kelan ba kasi yung Wagyuniku?” tanong ni Rhomil kay Mau.

“Ikaw mag-set ng date, ikaw yung maraming ineedit!” sagot ni Mau.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

21 hours ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

1 day ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

1 day ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

2 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

2 days ago

This website uses cookies.