Payaman Insider Boys Answer Unconventional Job Interview Questions in a Hilarious Podcast Episode

Panibagong laughtrip kwentuhan na naman ang hatid sa atin ng Payaman Insider boys sa kanilang bagong Spotify podcast episode. 

Sinagot nina Payaman Insider hosts Junnie Boy, Boss Keng, at Burong ang ilang “out of this world job interview questions” kasama ang mga special guests at kapwa Team Payaman members na sina Kevin Hermosada at Carlos Magnata, a.k.a Bok. 

The Lazy Employee

Sa episode na pinamagatang “Paano ka Papasa sa Job Interview Gamit ang Posporo?” sinagot ng grupo ang ilang katanungan na hindi madalas tinatanong sa mga job interviews. 

“Isipin natin na ang episode na ito ay para tayong nag a-apply sa trabaho,” ani Aaron Macacua, a.k.a Burong

Unang tinanong ni Burong sa kanyang mga aplikante ay isang trick question na: “Kung pagkatapos nitong interview ay tatanggapin na kita at ang ibibigay ko sayong trabaho ay maging tamad para swelduhan ka, ano’ng gagawin mo para magaling sa trabaho?”

Ayon kay Bok, para mapanindigan ang pagiging tamad sa trabaho ay ipapasa niya sa iba ang lahat ng iuutos sa kanyang trabaho.

Hindi naman aniya papasok sa unang araw ng trabaho si Kevin Hermosada para gawin ang papel niya bilang tamad na empleyado. 

Para naman kay Boss Keng: “Actually sa dati kong trabaho naging tamad ako, pero isa lang po ang ibig sabihin niyan, dahil nakaisip ako ng paraan kung papaano mapapabilis yung trabaho.” 

“Hindi ko susundin yung utos niyo kasi tinatamad ako ih!” paliwanag naman ni Junnie Boy.

The Elephant Test

Para sa final question, biro ni Burong halos isang libo ang tinanong dito, ngunit walang nakasagot at nakapasa sa interview. 

Ang tanong: “Kapag binigyan kita ng elepante at bawal mong ibenta, bawal mong patakasin, at bawal mong iligaw, anong gagawin mo sa elepante?”

Ayon kay Junnie Boy, aalagaan niya ang elepante ngunit tatanggalin ang ilong nito nang sa gayon ay mag mistulan itong bear at saka niya ibebenta. 

Kakaibang imbensyon naman ang gagawin ni Bok para mapakinabangan ang elepante.

“Yang elepante mo gagawin kong tao!” biro ni Bok na talaga namang nagpahalakhak sa kanyang mga kasama.

Paliwanag ni Bok, sa oras na maging tao ang elepante ay magiging scientist pa ito. 

“Yung elepanteng scientist na yon, siya na yung magtuturo sa kapwa niya hayop. At least makakatulong pa, maiintindiha natin yung lenggwahe nila,” dagdag pa nito. 

Listen to the full episode below:

Kath Regio

Recent Posts

Burong Macacua Shares Snippets of ‘Sun2Kan sa SkyDome’ Behind-the-Scenes

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood ang mga…

2 days ago

Mom Viy Cortez-Velasquez Shares Sweet Bedtime Moments with Kidlat and Tokyo

Isang sweet moment ang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang bedtime storytelling. Tunghayan…

3 days ago

TP Kids Takes Its Fun Learning Experience to Schools Across Metro Manila

With the goal of helping more kids enjoy learning, TP Kids is bringing its fun…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

3 days ago

Angelica Yap Opens Up About Being a Rap Superstar’s Girlfriend with Michelle Dy

Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang…

3 days ago

This website uses cookies.