Adulting 101 Part 2: Pat Velasquez-Gaspar Shares Kitchen Haul for Boss-Madam House in Congpound

Muling nagbabalik si Team Payaman vlogger Pat Velasquez-Gaspar upang ibahagi ang mga napamiling gamit para sa kanilang bagong bahay sa Congpound. 

Sa kanyang bagong vlog, isang Kitchen Shopping Haul ang hatid ni Mrs. Gaspar sa kanyang mga manonood na nagmistulang home tv shopping. 

Cookware shopping

Matapos ibahagi ang mga napamiling appliances para sa kanilang unit sa Congpound, mga gamit sa kusina naman ang binili ni Pat Velasquez-Gaspar

Kwento ni Pat, nahihirapan kasing magluto ang kanilang kasambahay na si Nanay Mercy dahil sa kakulangan ng kanilang mga gamit sa kusina. 

Pero bukod dito, ibinuking ng nakatatandang kapatid ni Pat na si Venice Velasquez na may mas malalim na pinaghuhugutan ang biglaang cookware shopping.

“Before pa kami lumipat ng bahay nag request na ako kay Papa na ‘Pa, lutuan mo naman ako ng Pinakbet saka mga Sinigang, Beef Brocolli,’ kasi yan yung mga speciality ni Papa,” kwento ni Pat. 

“Ngayon pumunta sa bahay, pero sa kapitbahay siya nagluto, doon kila Kuya (Cong TV) saka kila Vien,” dagdag pa nito. 

Bagamat bahagya siyang nagtampo sa ginawa ng ama na mas kilala bilang Papa Shoutout, nadiskubre nitong kaya pala hindi sa bahay niya nagluto dahil kulang kulang ang mga gamit sa kusina. 

Kitchen haul

Matapos mag shopping ay masayang binuksan ng mag-asawang Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng ang mga pinamiling gamit para sa bahay. 

Kabilang sa mga gamit pang kusina na napamili ni Pat ay ang baso, mga plato, kubyertos, kawali, kaldero, kaserola, condiments bottle, air fryer, mga basahan, microwaveable containers, turbo broiler, at marami pang iba. 

“Nagsi-sink in na sa’kin na talagang family na kami ni Keng,” ani Pat. 

“Iba yung impact na may sarili kang bahay, may sarili kang gamit, at may privacy ka talaga,” dagdag pa nito.

Gift to Boss Keng

Samantala, bukod sa mga pinamiling gamit sa bahay ay hindi nakalimutan ni Mrs. Gaspar na regaluhan ang kanyang butihing mister. 

Isang pang malakasang massage bed ang handog ni Pat kay Boss Keng para may kumportableng pwesto na ito sa tuwing magpapamasahe. 

“Kasi si BK tuwing nagpapamasahe, hindi naman siya nagpapamasahe sa kama namin, laging sa sahid tapos nakikihiram siya ng foam so binilhan ko siya ng massage bed,” kwento ni Pat. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.