Overbreak: Dudut Lang Pitches Coffee Shop Business to Team Payaman Big Bosses

Sa pagpasok ng taong 2023 ay lalo pang namayagpag ang mga negosyo ng Team Payaman, kabilang na dyan ang bagong bukas na coffee shop ni Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Dudut kung paano niya ibinida ang negosyong “Overbreak” sa mga certified businessman ng grupo na sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng

Survey shows

Sa umpisa ng vlog, ipinaliwanag ni Dudut na napag alaman niya na ang pinakamalaking populasyon ng mga taong nagkakape ay yung mga pumapasok sa trabaho. 

Paniwala rin ni Dudut, hindi lang mga nagtatrabaho ang may kakayahang bumili ng kape kundi maging mga estudyante. At dahil dito, nabuo ang kanyang bagong negosyo na “Overbreak.”

Quality yet affordable coffee

Para kay Dudut, ang isang coffee shop ay dapat mag taglay ng tatlong M: Mura, Masarap, at Mabilis. 

Pero bukod dito, ipinagmamalaki ni Dudut na hindi lang masarap ang mga kape sa Overbreak, bagkus ay masarap din sa paningin ang kanilang mga nag ga-gwapuhang barista.

Ayon pa kay Dudut, hindi lang sila mabait sa mga customers kundi sinisiguro rin nilang babalik ang mga ito dahil sa kalidad ng kanilang produkto at serbisyo. Ginagawa nila ito sa pamamagitan maayos na pakikisama sa mga customer na dumadayo sa Overbreak.

Ipinagmamalaki rin ni Dudut na dumaan sa masusing pag-aaral ang mga pamamaraan sa kung paano nila gagawing mura at masarap ang kanilang kape.

Matatagpuan ang Overbreak sa Unit D 341, San Nicolas II, Bacoor Cavite malapit sa All Day Camella East.

Maaari niyo rin silang dayuhin sa kanilang kauna-unahang bazaar sa “Team Payaman Fair” na gaganapin sa March 8-12 sa SM Megamall, Megatrade Halls 1 to 3.

Samantala, masaya ring ibinahagi ni Dudut na nakabenta na ang Overbreak ng higit 2,500 cups sa loob lang ng tatlong linggo mula nang binuksan nila ito sa publiko. 

Watch the full vlog below:

Claire Montero

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.