Baby Kidlat Shines in Michael Jackson-Themed 7th Month Photoshoot

Kasing bilis ng ihip ng hangin ang patuloy na paglaki ng unico hijo nina Cong TV at Viy Cortez na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.

Muli namang kinaaliwan ng netizens ang kanyang panibagong photoshoot bilang selebrasyon sa kanyang ika-pitong buwan. Gaya ng dati, naging usap-usapan na naman sa social media ang kanyang kagwapuhan. 

The Preparations

Sa tulong The Baby Village Studio, muling naisakatuparan ang Michael Jackson-themed photoshoot ni Baby Kidlat bilang selebrasyon sa kanyang 7th month milestone. 

Ibinahagi ng photographer at TikToker na si Jaysteel Dacudao ang kanilang karanasan sa paghahanda at sa pagkuha ng litrato ni Baby Kidlat.

Sa kanyang TikTok reel, unang ibinahagi ng Baby Village ang kanilang paghahanda sa pagkalap ng costume at props para sa tema ng nasabing photoshoot.

Ayon sa photographer, ang kantang “The Way You Make Me Feel” ni Michael Jackson ang napiling tema ni Mommy Viy Cortez para sa nasabing session.

Cute in blue, black, and white outfit ang panganay nina Cong at Viy matapos itong bihisan ng naaayon sa nasabing tema.

“So grabe, ang bilis talaga lumaki ni Kidlat! Papogi ng papogi si Kidlat!”

Full force rin ang kanyang Mommy Viy sa pag-aliw kay Baby Kidlat upang mailabas ang matatamis nitong mga ngiti sa nasabing photoshoot.

“Wow, nakadapa rin yung nanay!” pabirong sabi ni Pat Pabingwit – executive assistant ni Viviys.

Happy Viviys

Bilang selebrasyon ng kanyang ika-pitong buwan noong February 5, buong galak na ibinahagi ni Mommy Viy ang mga litrato ng kanyang unico hijo sa isang Facebook post.

“Happy 7 months anak ko Kidlat. Araw araw ako nagpapasalamat sa Diyos na dumating ka sa buhay namin ! #TheWayYouMakeMeFeel” saad ni Viy.

Ibinahagi rin ng 26-anyos na vlogger ang ilan sa mga nakakatuwang litrato ng kanyang anak mula sa nasabing photoshoot.

Viy: “Lagi nakatawa mga pic nya, upload ako naiyak naman haha!”

Ipinahatid din ng mga netizens ang kanilang pagbati at mensahe sa napaka cute na si Baby Kidlat.

Ezel Sagon: “Super cute!!!.bungisngis talaga”

Elsa Veloso: “Cuteness overload! Baby Kidlat labyu”

Mommy Lhes: “Cuteness overload!”

Grace De Gamo: “So adorable! Happy 7 months little one! God bless you always!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

24 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

30 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.