Cong TV Reveals Reason Why he’s Declining Collaborations With Other Vloggers

Sa isang pambihirang pagkakataon, inamin ni legendary YouTube content creator Cong TV kung bakit tila iwas siyang gumawa ng collaboration kasama ang mga kapwa vloggers.

Sa kanyang bagong vlog na pinamagatang “Dontiis,” ibinahagi ng 31-anyos na YouTuber ang kalbaryo na matagal na niyang iniinda pagdating sa kanyang kalusugan.

Dental health problem

Ayon kay Lincoln Velasquez, isa sa matagal na niyang iniinda sa kanyang katawan ay ang pagsakit ng kanyang mga ipin.

Sa nasabing vlog, isinalaysay nito ang puno’t dulo ng kanyang problema.

“Tagal na ‘to (dental health problem), bago pa ko sumikat,” ani Cong TV.

Biro pa nito, tila nagtatampo na ang kanyang mga bulok na ipin matapos unahing bumili ng kotse, bahay, at lupa kaysa ipaayos ito.

Kwento pa ni Cong, higit dalawang taon na ng huli siyang bumisita sa dentista para ipatingin ang ipin, ngunit hindi pa rin doon natapos ang kanyang kalbaryo.

Low self confidence

Samantala, inamin din ni Cong TV na isa ang kanyang dental health problem sa dahilan kung kaya tila umiiwas itong makipag collaborate sa ibang mga vlogger.

Aniya, nahihiya siya sa mga tao dahil baka hindi kaaya aya ang amoy ng kanyang hininga dulot ng mga bulok na ipin.

“Kaya ayokong nakikipag collab talaga. ‘Di ba niyaya ako ni Ninong Ry saka ni Wil Dasovich sa podcast, pass ako dyan!” biro ni Cong.

“Pag napabunot ko (ipin ko), game tayo!” dagdag pa nito.

Smell check

Dahil sa patuloy na pagsakit ng kanyang mga ipin, nagpasya na si Cong TV na tuluyan nang ipabunot ito sa dentista.

Sa tulong ng Apostol Dental, naisakatuparan ang “oplan mabangong hininga” ng pinuno ng Team Payaman.

“No more bulok! Ha ha ha!” pagdiriwang ng nasabing vlogger.

Tatlong araw makalipas ang kanyang dental procedure, agad pinagyabang ni Cong TV ang kanyang “newly found self confidence.”

“So susubukan natin yung bago nating bunganga,” ani Cong.

Una nitong binati ang video editors na sina Ephraim Abarca at Carlo Santos na umaming napansin nilang nag-iba ang body language ni Cong TV matapos ang operasyon. 

Pansin naman ni Boss Keng: “Ang bango ng hininga mo ah?”

“Ang fresh!” dagdag naman ni Carding. 

Masaya namang ipinagdiwang ni Cong TV ang bagong kumpiyansa sa sarili.

“Yung tao na yun, that’s from the past. I’m a new man, iniwan ko na yun kasama ng bulok na ipin ko.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.