Adulting 101: Pat Velasquez-Gaspar Shares Joy of Buying Appliances for New Home

Ikinagagalak ni Team Payaman vlogger Pat Velasquez-Gaspar ang pamimili ng mga bagong appliances at gamit para sa kanilang bagong tahanan sa Congpound. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng bunsong kapatid ni Cong TV ang maituturing niyang tagumpay ngayon na nagsisimula na silang bumuo ng pamilya ng asawa na si Boss Keng. 

Ika nga ng vlogger, simpleng kasiyahan na nilang mag-asawa ang pagpupundar ng mga gamit para sa kanilang bagong bahay. 

Appliances Shopping

Ayon kay Pat Velasquez-Gaspar, isa sa mga pinakahihintay niyang bilhin sa paglipat ng bahay ay ang mga appliances. 

Kaya naman appliances shopping ang peg ni Mrs. Gaspar habang ipinagbubuntis nito ang panganay na anak nila ni Boss Keng.

Kabilang sa mga bagong appliances na pinamili ni Pat ay ang cooking range, washing machine, refrigerator, water dispenser, cookware, utensils, cleaning tools, at iba pa. 

“Ito talaga ang mga simple joy namin, mga gamit sa bahay,” sambit ng soon-to-be mom.

Paliwanag ni Pat, matagal na nilang gustong mamili ng mga gamit sa bahay ngunit hindi ito natutuloy dahil alam nilang maliit lang ang kanilang espasyo sa Payamansion. 

Tuwang tuwa rin si Mrs. Gaspar sa kanilang bagong refrigerator at sinabing excited na siyang mamili ng mga pagkain at inumin na ilalagay dito. 

Boss-Madam Staff Room

Samantala, ikinagagalak din ng vlogger-turned-businesswoman ang pagkakaroon ng sariling kwarto ng kanilang mga staff sa Boss-Madam Team. 

“So guys super happy ako, lalo na para sa mga staff namin sa Boss Madam (team) kasi meron na silang sariling kwarto.”

Kwento ni Pat, dati kasi ay siksikan ang editors sa iisang kwarto at ganun din naman ang Team Payaman Girls. 

“Talagang siksikan sila, hile-hilera. Yung kwarto nila grabe, may naghihilik, may nagsasalita, may binabangungot,” ani Pat.

“This time si Nanay at si Hannah na lang yung magkasama, tapos yung boys si Rhomil at Angel ang magkasama,” dagdag pa nito.

Watch full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

20 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.