Viy Cortez Shows Off Cooking Skills in Top Trending ‘Congpound’ Vlog

Nangunguna na naman sa top-trending videos ng YouTube ang kwelang vlog hatid ni Viy Cortez, kung saan tampok ang pagluluto nito para sa Team Payaman sa Congpound. 

Kaniya-kaniyang paraan ng pagsalubong sa kanilang bagong tahanan ang miyembro ng Team Payaman, gaya na lang ng pagluluto ni Viy ng Adobong Sitaw para sa kanyang mga kapitbahay

Ingredients Hunting

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez ang kagustuhan na ipagluto ang kanyang mga kasama sa bahay at mga kapitbahay sa Congpound. 

Wala pang isang araw ay umani na agad ang nasabing video ng mahigit 1.2 million views at nag top-trending din sa YouTube matapos ang ilang oras. 

Sa kagustuhang makaluto ng Adobong Sitaw, isa-isang sinugod ng 26-anyos na vlogger ang kanyang mga kapitbahay upang makahingi ng mga rekados.

Unang pinuntahan ni Viy ang bahay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na matatagpuan lang sa harap ng kanilang bagong bahay.

“Tao po! Mayroon kayong sibuyas? Manghihingi lang po kami ng sibuyas,” bungad ni Viviys.

“Ay talagang mamahalin ang gusto!” pabirong sagot ni Kuya Terio. 

Sunod na sinugod ni Viy ang bahay ng ibang creators at editors ng Team Payaman upang humingi ng mga sangkap para sa kanyang Adobong Sitaw recipe.

“So, dito guys ang hihingin ko ay… bawang na nga lang!” 

Huling binisita ni Viy ang bahay nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na katabi lang ng kanilang bahay.

Sinalubong ni Pat na kasalukuyang nagdadalang tao at agad nagrequest ng Sitaw para kumpletuhin ang kanyang mga kakailanganing sangkap.

“Mayroon [din] kaming baboy. Pero madamot na kasi kami ngayon. Simula nung nag kanya-kanya na tayo, nagkalimutan na tayo,” biro ni Pat

Matapos manghingi ng sangkap ay nagtungo naman si Viviys sa isang convenience store upang punan ang mga rekadong kanyang gagamitin.

Adobong Sitaw ala Viviys

Hindi nagtagal ay nakumpleto na rin ni Viy Cortez ang kanyang mga kailangan at agad na sinimulan ang pagluluto habang inaaliw ng kanyang soon-to-be husband na si Cong TV.

Matapos magluto ay  inaya na nito ang kanyang mga kasama upang  tikman ang Adobong Sitaw ala Viviys. 

“Hoy, sabihin n’yo masarap!” pabirong panakot ni Viviys.

“Sige for the vlog, oo.” sagot naman ni Mae Sunga.

“Uy masarap!” hatol ni Kha Kha

Hindi naman nagpahuli si Cong TV sa pagbibigay ng hatol sa cooking skills ng kanyang fiance. 

“Masarap?” tanong ni Viviys.

Tango na lang ang naging sagot ni Cong TV sa tanong ng kanyang nobya.

“Oh nilutuan ka na, gusto mo pa sasabihin mo pa yung totoo? Oo naman masarap!” biro nito.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

9 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

19 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

20 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

20 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.