Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Mike Sabino – personal driver nina Cong TV at Viy Cortez, ang kanilang anibersaryo ng asawa na si Josh Anne Dimapilis-Sabino, a.k.a Jaja.
Kasama ang unico hijo na si Rasec, ibinida ng Pamilya Sabino ang kanilang quick anniversary getaway sa Tagaytay City.
Sa bagong vlog ni Kuya Mike, ibinahagi nito ang ilan sa mga kaganapan matapos ipagdiwang ang kanilang anibersaryo ni Josh Anne bilang mag-asawa.
“Guys, aalis kami today. Wala lang, natripan lang namin, punta lang kami Tagaytay magla-lunch lang kami!” biro ni Mommy Jaja.
“Samahan n’yo kaming mag-anniversary date for the first time! Ay! Nakaluwag-luwag?” dagdag pa nito.
Hindi pa man nakakalayo ay sinimulan na ng Team Sabino ang kanilang food trip sa pamamagitan ng pagbili ng nilalako na chicharon sa Tagaytay.
“So guys, medyo traffic pang papuntang Tagaytay, so may nakita kaming chicharon na tinitinda sa daan so bumili kami para pantawid gutom muna. Ang sarap ng suka!!” kwento pa ng misis ni Kuya Mike.
“Busog na tayo! Uwi na tayo!” biro naman ng kanilang Padre de Pamilya.
Matapos maipit sa traffic, nakarating din ang Team Sabino sa kanilang destinasyon, ang The View Restaurant and Cafe.
Bukod sa pagkain, ang makapigil hiningang tanawin ng Taal Volcano ang sumalubong sa kanilang pamilya pagdating sa nasabing kainan.
“Guys, nandito na yung fog sa amin! Medyo malamig yung hangin. Ayan na yung fog daddy oh, nasa atin na s’ya!” kwento ni Josh Anne.
Ilang sandali lang ay dumating na ang mga pagkaing pinili ng mag-asawang Mike at Josh Anne para sa kanilang anniversary lunch out.
Matapos kumain ay game na game na sinamahan nina Mommy Jaja at Daddy Mike si Rasec sa paglalaro sa indoor playground sa isang mall.
“May batang nagwagi!” biro ni Josh Anne.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.