Vien Iligan-Velasquez Celebrates Birthday in New Team Payaman Congpound

Ipinagdiwang ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang ika-26 na kaarawan noong January 19, 2023 sa kanilang bagong tahanan na binansagang “Congpound.”

Kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan, ipinagdiwang ni Vien hindi lang ang kanyang kaarawan, kundi pati na rin ang paglipat sa kani-kanilang mga tahanan sa nasabing compound.

Payamansion 2 Memories

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, nagbalik-tanaw ito sa mahigit dalawang taong pamamalagi ng kanyang pamilya sa Payamansion 2.

Mula sa kanilang paghatid kay Mavi sa eskwelahan, hanggang sa pagkapanganak kay Alona Viela, hindi maitatanggi na naging saksi ang Payamansion sa kaganapan sa pamilya Iligan-Velasquez.

Bukod kina Junnie Boy at Vien, naging saksi rin ang Payamansion sa mga masasayang alala, kaganapan, at mga biyaya para kina Cong TV at Viy Cortez, Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar, at iba pang miyembro ng Team Payaman.

Matapos ang kanilang tagumpay na paglilipat mula sa Payamansion patungo sa Congpound, sinalubong naman ng grupo ang panibagong yugto ng kanilang buhay at isinabay ito sa kaarawan ni Mommy Vien. 

*Failed* Surprise Birthday Celebration

Sa nasabi ring vlog, ipinasilip ni Vien ang ilang kaganapan sa pagsalubong sa kanyang kaarawan.

Pagpatak ng alas dose ng madaling araw ay sinurpesa ito ng kanyang mga kasamahan dala ang isang malaking cake habang kumakanta ng “Happy Birthday!”

Ayon kay Vien, isang simpleng kainan lang ang kanyang inaasahan para sa kanyang kaarawan kung kaya laking gulat nito nang makita ang inihanda ng kanyang mga kasamahan sa Congpound.

“Simpleng birthday lang pero nagulat ako na mayroong pa-ganito [kubol] sa labas! ‘Yun oh, may tent! Wala kaming handa, wala masyadong handa. Ang balak ko lang talaga ay magpa-ihaw ng bangus at tsaka liempo, pero tatlong tent yung nandito,” kwento pa ni Vien. 

At syempre, hindi nagpahuli ang kanyang mga kasamahan sa pagbabahagi ng kanilang mensahe at birthday wishes para sa birthday celebrant.

Boss Keng: “[Wish ko ay magkaroon] ng pitong anak [si Junnie at Vien], kaya n’yo yan! Tira lang ng tira. Happy birthday, putukan na!”

Clouie Dims: “Hi, Vien! Happy birthday! Ang wish ko sa birthday mo ay good health at ang masasabi ko sa’yo sis, bilib na bilib ako sa’yo. Nabibilib ako kay Vien kasi sobrang galing n’yang nanay, wife, friend. Wish ko, matupad din ang mga wish mo! I love you, sis!”

Viy Cortez: “Hi, sis! Happy happy birthday! Kahit hindi ko na i-wish, alam ko na lahat ng pangarap mo, matutupad dahil sobrang sipag mo. Sobrang proud ako sa’yo dahil isa pa lang anak ko, hirap na hirap na ako. Ikaw dalawa na at nakakaya mo, fresh ka pa rin, sana all! More more birthdays to come, nandito lang ako palagi! I love you sis!!”

Samantala, tinapos ni Vien ang gabi sa isang masayang kantahan at kwentuhan hatid ng kanyang pamilya, at mga malalapit na kaibigan.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Here Are the Top 5 Things to Do in Baguio ft. VIYLine MSME Caravan

Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…

2 days ago

CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…

2 days ago

Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…

2 days ago

This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…

2 days ago

Jai Asuncion’s Top 3 Must-Try Food Stops in Binondo, Manila

Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion…

3 days ago

Zeinab Harake & Ray Parks Wow Supporters With Romantic Prenup Video

They say love comes when you least expect it—at the right time, with the right…

3 days ago

This website uses cookies.