Team Payaman’s Kuya Inday Tours Netizens at Property Given to Him by Cong TV

Sa paglipat ng Team Payaman sa kanilang bagong tahanan, siniguro ni Cong TV na hindi nila pababayaan si Kuya Inday, ang caretaker ng Payamansion 2 na naging bahagi na ng kanilang grupo.

Sa isang TikTok video, ipinakita ni Gemmar Sol, a.k.a Kuya Inday ang bahay at lupa na ipinagkaloob sa kanya ng 31-anyos na Team Payaman headmaster. 

Who is Kuya Inday?

Nakilala ng netizens si Kuya Inday nang magsimula itong lumabas sa YouTube vlogs ni Cong TV. Siya lang naman ang caretaker ng Payamansion 2 kung saan nanirahan ang buong Team Payaman sa loob ng dalawang taon. 

Hindi nagtagal ay tila naging parte na ng grupo si Kuya Inday. Dahil napamahal na rin kay Cong TV ang nasabing caretaker, minsan na niya itong binigyan ng regalo na hinding hindi nito malilimutan. 

Sa kanyang vlog na pinamagatang “Dayin,” binigyan ito ni Cong TV ng isang ultimate makeover at pinamili pa ng mga bagong damit. Bukod dyan, gumawa rin ng paraan si Cong para makasama ni Kuya Inday ang kanyang pamilya na ilang taon na nyang hindi nakikita dahil sa kakulangan ng pondo para makauwi ng probinsya. 

Ang lahat nang kinita ng nasabing vlog ay ibinigay din ni Cong TV sa butihing caretaker upang magkaroon ito ng ipon para suportahan ang kanyang asawa at dalawang anak.  

Minsan na ring sinama ni Cong TV si Kuya Inday sa kanyang endorsement shoot at nakuha pang model ng Maya Philippines. 

House and Lot for Kuya Inday

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Kuya Inday sa netizens ang kanyang bagong munting tahanan sa probinsya na regalo sa kanya ni Cong TV. 

“Ito na po yung bahay na bigay ng nag-iisang tao lang, si Cong TV. Lupa at bahay,” ani Kuya Inday. 

Binigyan pa ni Kuya Inday ng virtual tour ang netizens sa nasabing bahay. Una nitong ipinakita ang kanilang terrace kung saan makikita ang isang maliit na tindahan. 

Ayon kay Kuya Inday, wala pa itong laman sa ngayon dahil kasalukuyang nasa Dumaguete ang kanyang pamilya dahil nag-aaral pa ang kanyang mga anak doon. 

Kumpleto sa sala, hapagkainan, kusina, palikuran, at dalawang kwarto ang nasabing bahay. Ibinida rin ni Kuya Inday sa nasabing video ang kanilang kusina na may magandang view. 

“Pag dito ka naghuhugas ng plato ay talagang dito pa lang matatanaw mo na yung mga puno, sariwang hangin,” kwento nito. 

Dagdag pa ni Kuya Inday, sariwa ang hangin sa nasabing lugar kaya naman dito siya laging tumatambay sa umaga para magkape. 

Labis labin naman ang pasasalamat nito sa ipinagkaloob na regalo sa kanya ni Cong TV. 

“Boss Cong maraming maraming salamat sa binigay mo sa’kin na lupa’t at bahay. Maraming maraming salamat sa’yo, boss.”

Watch the full video below:\

Kath Regio

View Comments

  • sana all boss cong 😁. Ibless pa kayo lalo ni God boss cong at ma'am viy, para mas marami kayong matulungan. stay safe. 😘

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.