Netizens Heartwarming Reactions to Team Payaman’s ‘Congpound Era’

Isang pagdiriwang ang yumanig sa netizens matapos ipalabas ni Cong TV sa kanyang YouTube Channel ang pagtupad sa isa sa mga pangarap niya para sa Team Payaman – ang pagkakaroon ng sarili nilang compound, a.k.a “Congpound!”

Maaalalang unang nagsama-sama ang Team Payaman sa isang condominium unit na binansagan nilang “Congdo.” Hindi nagtagal ay lumipat sila sa “Payamansion” dahil sa patuloy na paglaki ng kanilang grupo.

Congpound celebration

Naging usap-usapan at matunog sa social media ang panibagong yugto sa buhay ng buong grupo. Tila lahat ay nakiisa sa kasiyahan hindi lang ang kanilang mga pamilya, malapit na mga kaibigan, maging ang mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa Team Payaman.

Hindi maipagkakaila na tunay na naging inspirasyon ang grupo sa iba kaya’t narito ang ilan sa mga pagbati at reaksyon ng netizens sa Congpound reveal vlog ni Cong TV na sa kasalukuyan ay Top 1 trending pa rin sa YouTube. 

@lizaleemonreal2404:“Gagiii, nakakaproud. Happy for you all team payaman. Keep inspiring all circle of friends.” 

@louiseannebucasas8183: “So proud that each milestone you achieved I witnessed most of it. SUPER PROUD OF YOU KUYA CONG AND TEAM PAYAMAN!”

@angelinesalacop3032: “DITO NA TAYO SA EXCITING PART!!! CONGPOUND NA YIEE!”

@nitroglycerine568: “Comment of gratitude: This is simply my reason why I detached from my friends whom I spent a decade with. Team Payaman taught me the value of having the right people around you; people who are goal driven. I had enough ridicule and ignorance from those ‘friends’ who do not want to be a part of my visions for the future and kept on leaving me behind. Ten years from now, I will establish my own company with new set of goal-driven people who share the same values and missions in life. It’s their loss for losing me. Akalain niyo, sa simpleng comical videos pa ako natauhan? Maraming salamat, Team Payaman sa inspirasyon.”

Manifesting vision for Team Payaman

Malayo pa, pero malayo na! Kaabang-abang pa mga ang mga susunod na kabanata ngunit tila hindi na rin makapaghintay ang lahat sa mga susunod pa na tagumpay ng grupong kanilang hinahangaan. 

@dyoh4372: “From CONGDO to PAYAMANSION to CONGPOUND excited na ko sa CONGVILLAGE.”

@myrhannalilouarboleda9436: “Ang lakas! Congrats team payaman #CongPound next subdivision na #CongDivision.”

Claire Montero

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.