Kamakailan lang ay naging laman ng Facebook marketplace ang customized crib ng unico hijo nina Viy Cortez at Cong TV na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.
Hindi nagpahuli ang mga netizens sa kanilang witty reactions tungkol sa binebentang crib ng Team Payaman baby.
Sa isang Facebook post ng VIYLine Girl na si Karen Villes, a.k.a Kha Kha, ibinahagi nito ang Facebook listing ng binebentang crib ni Viviys.
“Kidlat’s Crib for sale! 15K LAST PRICE pm me ‘mine!’ Good as new, with 4 wheels Rfs: Queen size bed na po talaga gusto ni Kidlat (FREE: 20 pcs Kidlat’s Pre loved (Clothes), Foam, Bed Sheet Cover)” ani Kha-Kha kaakibat ang larawan ng custom made na crib.
Wala pa mang isang araw ay agad na rin itong naibenta sa isang interisadong online buyer sa Facebook.
Ang nasabing post ay umani ng libo-libong reactions mula sa netizens, at inulan din ng mga nakakatawang komento mula sa mga taga-suporta ng Team Payaman.
Hindi napigilan ng mga netizens na ipadala ang kanilang mga witty comments and captions, dahilan upang marami pa ang maabot ng nasabing Facebook listing.
Kha Kha: “KUNG MAY ANAK LANG AKO BINILI KO NA TO HAHAHAHAHA”
Hasein Mecaydor: “Kasya po ba dyan baby ko? college na kasi siya e”
Janice Suratos – Pacheco: “Bibilhin ko sana kaso naipambili na namin ng sibuyas!”
Denisse Tarrayo: “Bibilhin ko sana kaso grade 10 na pala baby ko”
Hindi rin nagpahuli ang ilan sa mga taga-suporta ng Team Payaman sa pag-share ng nasabing crib ni Baby Kidlat sa kani-kanilang mga Facebook feed.
Alyanna Grace Ching: “Sayang graduate na baby ko, sorry ms viy!”
Ellyza Acero: “Bibilin ko sana kaso sayang di na kasya baby ko!”
Syril Baluran: “Kasya ba baby ko dito ee college na un?”
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.