Mavi Velasquez Bravely Undergoes Pulpotomy Procedure at Age 4

Matapang na hinarap ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Mavi ang isang dental procedure na nagsalba sa kanyang mga baby teeth. 

Sa panibagong vlog ni Mommy Vien, ibinahagi nito ang pinagdaanang “Pulpotomy Procedure” ng apat na taong gulang na si Mavi. 

Full-support ang mag-asawa at hindi iniwan si Kuya Mavi hanggang sa kanyang full recovery. 

What is a Pulpotomy Procedure?

Ayon sa medical website na Healthline, ang Pulpotomy ay isang pamamaraan upang isalba ang mga nabubulok na ipin o mga ipin na may impeksyon. 

“If you or your child has a severe cavity, plus infection in the tooth’s pulp (pulpitis), your dentist may recommend pulpotomy to you,” paliwanag ng Healthline

“This procedure is also recommended when repair of a deep cavity exposes the pulp underneath, leaving it vulnerable to bacterial infection,” dagdag pa nito.

Paliwanag naman ni Mommy Vien, sira na kasi ang mga baby teeth ni Mavi kaya nagpasya silang mag-asawa na agapan na ito base na rin sa rekomendasyon ng kanilang dentista. 

“Ang gagawin kay Mavi ngayon, ika-crown yung 12 teeth niya. Naka-fasting na siya ng 8 AM sa solid at 10 AM naman sa liquid,” ani Vien. 

Dentist Day

Samantala, hindi naman naiwasan ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na maging emosyonal habang pinapanood ang pinagdadaanang dental procedure ng anak, lalo na nang bigyan ito ng anistisya para makatulog sa buong operasyon.  

“Naiyak kami parehas, nakakaawa noh?” ani Mommy Vien. 

“Nate-tense ako!” dagdag naman ni Daddy Junnie. 

Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang Pulpotomy ni Mavi at agad itong niyakap ng kanyang Mommy at Dada. Napalitan naman ng tuwa ang kaba ng mag-asawa nang makita ang bagong mga ipin ni Mavi. 

Samantala, bagamat nanlalambot pa ay game na game namang nakipag kamustahan si Mavi sa kanyang Lolo Val at Lola Jo habang naka-video call. 

“Walang tinanggal sa kanyang ipin, ni-recover ni-restore,” paliwanag ni Daddy Junnie sa mga lolo at lola. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

9 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

20 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.