Congpound Tour: Viy Cortez Gives Fans a Sneak Peek at Team Payaman’s New Home

Kamakailan lang ay inanunsyo ni Team Payaman Headmaster Cong TV sa kanyang vlog ang paglisan ng grupo mula sa Payamansion 2.0 at paglipat sa bagong tahanan na binansagang “Congpound.”

Kasunod nito ay ang request ng mga netizens para sa isang “house tour” ng kani-kanilang mga tahanan na agad namang pinaunlakan ni Viy Cortez.

Congpound House Tour

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang isang malupit na house tour ng kanilang bagong tahanan. 

Bukod kina Cong, Viy, at Baby Kidlat, kasama nila sa nasabing bahay ang mga video editors na sina Ephraim Abarca at Carlo Santos, mga katuwang kay Kidlat na sina Ate Acar ar Ate Lyn, VIYLine Girls na sina Pat Pabingwit, Kha Kha Villes, Tin Piamonte, at Mae Sunga

Unang ipinakita ni Viy sa kanyang mga manonood ang kanilang eleganteng common CR sa ground floor ng nasabing bahay.

Sunod na ibinida ni Viy at Cong ang “editors’ lounge” kung saan makikita ang tila “Work From Home setup ng workstation nina Cong, Carlo at Eph.

Isa sa mga ipinagmamalaking parte ng bahay ni Viviys ay ang kanilang kusina na siya aniya mismo ang bumili ng mga kagamitan pangluto. 

Matatandaang ibinahagi din ni Viy sa kanyang TikTok account ang mga biniling “aesthetic yet functional” finds para sa kanyang kusina.

The Second Floor

Matapos libutin ang kanilang kusina, ipinasilip naman nina Viy at Cong ang ikalawang palapag ng kanilang bagong tahanan.

Pag-akyat ay ibinida ng first-time mom ang mini sala na kanilang inilaan para kay Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

“Alam mo ‘yon, kahit naghihintay kami ng bahay namin sa kabila, ang saya ko pa rin dito sa bahay na ‘to kasi ang ganda pa rin n’ya!” ani Viy Cortez. 

“Hindi naman s’ya bongga, [pero] okay na ako sa malinis tapos kung ano kailangan namin, nandito [na]. Okay na ako ‘dun!” dagdag pa nito. 

Matapos ikutin ang kwarto at play room ni Kidlat, nilibot naman ni Viviys ang kanyang mga manonood sa master’s bedroom nila ni Cong TV.

“Maliit na s’ya, pero ang maganda rito, wala na kaming gamit dito. Tulugan nalang s’ya and CR!” 

Hindi rin mawawala ang pinaka-bagong tambayan ng Team Payaman sa loob ng bahay. Ang kanilang terrace ang nagsisilbing tambayan tuwing gabi ng VIYLine Girls at iba pang miyembro ng Team Payaman dahil sa maaliwalas na simoy ng hangin at aesthetic “string lights.”

Laking pasasalamat din ng mag-nobyong Cong at Viy sa The Furniture Connoisseur na naging punong-abala sa pagdisenyo ng kanilang bagong tahanan.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
248
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *