Goodbye Payamansion? Team Payaman to go on Separate Ways This 2023?

Sa pagpasok ng taong 2023, tuluyan na nga bang maghihiwalay ng landas ang pinakasikat at pinakamalaking vlogger group sa bansa?

Sa bagong vlog ni Team Payaman headmaster Cong TV, tila halo ang emosyon nito ng ibalita sa publiko ang paglipat ng bahay ng buong grupo. 

Matatandaang unang nagsama sama ang miyembro ng Team Payaman sa isang condominium unit na binansagang “Congdo” at lumipat sa “Payamansion” dahil na rin sa paglaki ng kanilang grupo. 

Ito na nga kaya ang katapusan ng Team Payaman at panimula ng kanya kanya nilang buhay bilang may sari-sariling pamilya?

Lipat Bahay

Sa vlog na pinamagatang “Goodbuy” ipinasilip ni Cong TV ang preparasyon ng ilang kasamahan sa Payamansion dahil sa nakatakda nilang paglipat ng bahay. 

Pero hindi na magsasama sama sa iisang bubong ang grupo tulad ng nakagawian. 

“Mami-miss ko kayo,” ani Cong TV sa kapatid na si Junnie Boy at bayaw na si Boss Keng

“Hindi ko nga alam kung kakayanin ko ba ng mag-isa eh! Ito (Cong TV) solo grinder lang naman ‘to from the start,”  sagot naman ni Junnie Boy

“Pagdasal mo na lang kami, Bossing! Salamat dahil natuto akong maging responsable,” sambit ni Boss Keng.

“Everybody’s leaving, guys. It’s been fun two years,” dagdag pa ni  Cong TV. 

Hello, Congpound!

Sa nasabi ring vlog, ipinasilip ng 31-anyos na vlogger ang bago niyang tahanan kasama ang longtime girlfriend at fiance na si Viy Cortez at panganay na si Baby Kidlat. 

But wait, hindi pa pala dito nagtatapos ang Team Payaman! Bagkus, isa lang itong bagong kabanata para sa grupo. 

“Magkakasama pa rin tayo?” ani Aaron Macacua, a.k.a Burong. 

Bagamat nag hiwa-hiwalay ang bahay ay maninirahan pa rin ang buong Team Payaman sa iisang lugar. Goodbye Payamansion, Hello Congpound!

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

19 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

19 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.