Glamified: Clouie Dims Shares Gorgeous Makeover Care of Glam Central by Pat and Keng

New Year, New Me! Iyan ang peg ngayon ng isa sa Team Payaman Dance Diva na si Clouie Dims dahil sa kanyang bagong hair makeover. 

Syempre sagot yan ng Glam Central Salon and Spa by Pat & Keng na pagmamay-ari ng kanyang kapwa vlogger at mga matalik na kaibigan na sina Pat Velasquez-Gaspar at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.  

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Clouie ang kanyang hair makeover ala Glam Central! Kamusta kaya ang kanyang “Glamified” experience?

New Hair for 2023

Dahil opisyal ng binuksan sa publiko ang bagong negosyo nina Pat at Keng, hindi pinalampas ni Clouie Dims ang pagkakataon na masubukan ang serbisyo ng Cavite branch ng Glam Central.

Kwento ni Clouie, matagal na siyang nagpapaayos ng buhok sa main branch ng Glam Central, pero dahil mayroon ng mas malapit at pagmamay ari pa ng kanyang mga kaibigan, sa Cavite branch na sya dumiretso. 

Nagtungo ang dalaga sa Glam Central by Pat & Keng kasama mismo si Boss Keng. Ayon kay Mr. Gaspar, nasilayan niya ang estado ng buhok ni Clouie kaya naisipan itong isama sa kanyang salon. 

“Dahil owner ako ng salon, pag nakakakita kasi ako ng mga buhok na parang papatay na, parang gusto kong gamutin,” biro ni Boss Keng. 

“Dalhin mo! Dalhin mo! Isugod niyo na!” dagdag pa nito. 

Pero paglilinaw ni Boss Keng, isa sa mga natutunan nya sa nasabing negosyo ay ang tamang maintenance para mapanatiling maganda at buhay na buhay ang buhok.

Ayon kay Keng, hindi raw pala nadadaan sa isang session lang ang hair treatment, bagkus ay dapat maging regular maintenance ito. 

Clouie Glamified

Samantala, relax na relax naman sa kanyang hair makeover session si Team Payaman Dancing Kween Clouie. Sobra rin itong nasiyahan sa kinalabasan ng kanyang new look. 

“Ang ganda ng gawa nila o! Pak!” ani Clouie.

“Punta na kayo dito, guys! Kung gusto niyo ng ganitong color sabihin niyo lang,”  dagdag pa nito. 

Ang Glam Central Salon and Spa by Pat & Keng ay matatagpuan sa Unit 21-23 Plazuela De Molino, Molino Blvd, Bacoor Cavite. Manatiling nakatutok sa kanilang opisyal na Facebook at Instagram account para lagi kayong updated sa mga bagong promo at pakulo. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

57 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

24 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.