Alona Viela Celebrates 1st Month with a DIY Milestone Photoshoot at Home

Ipinagdiwang nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang unang buwan ng kanilang bunso sa pamamagitan ng isang DIY milestone photoshoot sa bahay. 

Ipinasilip ng mag-asawang Team Payaman vlogger ang naging paghahanda nila para sa nasabing photoshoot ni Baby Alona Viela Iligan Velasquez. 

Alona Viela at 1 Month

Sa bagong vlog ni Mommy Vien, ibinahagi nito ang kanilang naging preparasyon at pagdiriwang ng unang buwan ng kanilang unica hija na si Alona Viela. 

Sa tulong ng Cafie Bakery, naisakatuparan ang beach-themed cake ni Viela na alinsunod sa kanyang pangalan.

Bukod sa kanyang espesyal na cake, nagsagawa rin ng DIY photoshoot ang mag-asawang Junnie Boy at Vien para sa unang buwan ng kanilang bunso.

“Kami lang ni Daddy ang magpo-photoshoot sa kanya today, so goodluck naman [sa amin]!” saad ni Vien. 

Ngunit bago pa man magtungo sa photoshoot ay ibinahagi rin ni Mommy Vien ang tema at ang costume na susuotin ni Viela para sa nasabing milestone shoot.

“So sa mga nagtatanong kung anong theme ng milestone ni Viela, simple lang guys, so ang susuotin ni Viela for today ay…” ani Vien.

“May nag-message lang sa akin na fan, and gumagawa s’ya ng mga crochet, so parang naisip ko na mas maganda kung mga ginantsilyong damit [yung suotin n’ya]” dagdag pa nito. 

Ang kauna-unahang milestone costume ni Viela ay gawa ni Monalyn Apawan – isang taga-suporta nina Junnie at Vien na talaga namang hilig din ang paggagantsilyo.

DIY Milestone Shoot

Dahil nahihilig sa photography si Junnie Boy, hindi naging mahirap para sa mag-asawa ang paghahanda para sa milestone photoshoot ng kanilang bunso.

Full-force ang mag-asawa sa pagkuha ng litrato ng kanilang little Alona gamit ang kanilang camera at cellphone.

Unang kinuhanan ng magandang anggulo ang first milestone cake ni Alona Viela, na sinundan ng opisyal na milestone shoot nito. 

Naging maganda ang kinalabasan ng kanilang DIY photoshoot, dahil na rin sa pagtutulungan ng mag-asawang Junnie at Vien.

“Excited na ako sa kanyang second month. Ang bilis lang, parang niluwal ko lang s’ya noong December tapos ngayon, 1 month na s’ya!” ani Mommy Vien. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

1 day ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

2 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

2 days ago

This website uses cookies.