BEWARE: Viy Cortez Warns About Fake VIYLine Cosmetics and VIYLine Skincare Products Online

Ikinasa ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare ang kauna-unahang New Year’s Freeviys Sale noong nagdaang January 10, 2023. Ang nasabing “pamigay sale” ay pagpapatuloy ng pamamahagi ng pamaskong handog ni VIYLine CEO Viy Cortez para sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa kanyang produkto at serbisyo.

Muling nagtagumpay ang nasabing one-day sale at talaga namang nasimot ang stocks ng VIYLine products sa mga official stores nito sa Shopee, Lazada at TikTok.

“Unang buwan ng bagong taon! Hindi pa nangangalahati wala na ako stocks!” ani Viviys sa isang Facebook post

“Grabe ngayon ko lang naranasan mawalan ng paninda sobra kayo! Mag a-announce ako pag nakapag restock na kami! Paunahan nalang ulit pumindot” dagdag pa nito. 

Fake store and products

Sa kabila ng pagiging popular ng mga produkto ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare, hindi pa rin ito nakaligtas sa mga mapang-abusong nilalang na gumagawa ng mga pekeng online stores at nagbebenta ng mga pekeng VIYLine products na naging sanhi ng kalituhan para sa ibang consumers.

Dahil dito, mahigpit na pinag-iingat ni Viy Cortez ang lahat at nagbabala na maging mapanuri sa pagbili online. 

Mag ingat po sa mga pekeng VIYLine Cosmetics VIYLine Skincare napaka dami ko pa po nakikita na mga fake po at ang daming sold!”

Dagdag pa nito, tanging sa mga official resellers lamang ng Viyline Skincare maaaring makabili ng mga lehitimong produkto at sa mga official online stores naman maaaring icheck-out ang makeup items ng VIYLine Cosmetics. 

VIYLine Cosmetics Comeback!


Matapos ang ilang araw na pananahimik ay muling magbabalik ang mga pangmalakasang produkto ng VIYLine Cosmerics. 

Sa isang Facebook post, inanusyo ni Viy ang pagbabalik ng stocks ng lahat ng VIYLine Cosmetics pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi ng Miyerkules, January 18, 2023. 

Sa susunod na buwan, asahang mas magiging mas mabilis na ang pagpapadala ng inyong orders sa oras na mabuksan na ang VIYLine Fulfillment Center. Ayon sa vlogger at entrepreneur, ang bagong warehouse ay magdadala ng mga makabago at mas pinaayos na proseso upang maipadala ang inyong mga orders sa lalo at madaling panahon.

 
Manatiling nakatutok sa VIYLine Media Group para sa iba pang latest update sa VIYLine at buong Team Payaman. 

Claire Montero

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.