Junnie Boy Honors Wife’s Motherhood Hard Work With Brand New Family Car

Isang buwan matapos ipanganak ang kanilang bunsong anak, patuloy pa ring nagtutulungan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Bilang pasasalamat sa sakripisyo ni Vien bilang ina at asawa, sinorpresa ito ni Junnie Boy ng isang bagong sasakyan para sa kanilang pamilya. 

A Mother’s Love

Sa bagong vlog ni Junnie Boy, ibinahagi nito ang isang maikling usapan sa pagitan nilang mag-asawa tungkol sa kasalukuyang kalagayan ni Mommy Vien matapos manganak noong Disyembre.

Unang kinamusta ni Junnie ang maybahay nito kung ano ba talaga ang nararamdaman at kasalukuyang estado nito.

“Ngayon ikaw, kamusta ka na?” tanong ni Junnie. 

Sagot naman ni Vien: “Kung kakamustahin mo ako, okay ako. Happy ako kasi kung iisipin man, kung may problema ba ako noong nanganak ako, masaya ako kasi hindi mo ako pinapabayaan!” 

Dagdag pa nito na hindi biro ang maging isang ina dala ng paggana ng utak at katawan ng mga ina sa pag-iisip at pag-aalaga sa mga anak nito.

Ngunit sa kabilang banda, ibinahagi rin ni Vien ang #MomGuilt na kanyang nararanasan kamakailan lang.

“Hawak ko si Viela, si Mavi bigla niya ako uutusan. Hahanap s’ya ng atensyon, doon papasok yung mom guilt na gusto n’ya lang naman magpakuha ng milk eh, napagalitan ko tuloy s’ya sabay sabi ng ‘Gusto ko kay Daddy!’ pagbabahagi ng mother-of-two.

Aminado ang mag-asawa na namimiss na nila ang kanilang panganay dala ng pagkabusy sa pag-aalaga sa unica hija nitong si Alona Viela. 

Ngunit ayon sa mga ito, ginagawa naman nila ang kanilang makakaya upang mas lalong alagaan at arugain ang kanilang mga anak.

A Well-Deserved Treat

Sa nasabi ring vlog, dinala ni Junnie Boy ang kanyang mga manonood sa pagbili at pagsurpresa kay Mommy Vien ng isang bagong kotse.

“Hindi alam ni Vien [na] last month pa, may kinuha akong kotse. Reregaluhan ko si Vien ng kotse!” salaysay ni Junnie.

Bumisita si Junnie at anak nitong si Mavi sa isang car dealer sa Kawit, Cavite upang kunin na ang kanyang pinaka-aasam na regalo para sa kanyang maybahay.

“Mi, dahil sobrang mabuti kang ina, may malupit na regalong dadating sa’yo!” buong tuwang kwento ni Junnie.

Walang pagaatubiling binili ni Junnie ang sasakyan at agad na inihandog ito sa kanyang asawa.

“Oh my god, akin ‘yan?!” laking gulat ni Vien.

Pagkatapos siyasatin ang sasakyan ay agad na sinubukan nina Boss Keng, Dudut, Junnie, at Mommy Vien ang kanyang bagong sasakyan.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
142
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *