Team Payaman Girls Gush Over the Possibility of Meeting Daniel Padilla

Walang paglagyan ang kilig ng Team Payaman girls matapos malaman na posible nilang makita at makasama ang nag-iisang phenomenal heartthrob at aktor na si Daniel Padilla

Pero paano nga ba magiging posible ang pagkikitang ito?

Daniel Padilla in the house!

Sa isang bagong vlog, ibinahagi ni Team Payaman editor-turned-vlogger Kevin Hermosada ang isang hindi inaasahang pagkakataon kung saan nakilala at naka-bonding niya si Daniel Padilla. 

Habang nasa kalagitnaan ng gig ng kanyang bandang “Libre,” nadiskubre niyang nanonood pala ang 27-anyos na aktor sa nasabing bar. 

Naglakas loob itong lapitan ang sikat na aktor, ngunit laking gulat ni Kevin ng batiin siya nito sa pangalan ng kanyang vlog character na si Baldo. 

“Hindi ko talaga alam na nandun siya, hindi niya rin ata alam na nandun ako,” kwento ni Kevin. 

Tanong ni Pat Velasquez-Gaspar: “Tinawag ka niya? Ano’ng sabi niya sayo?”

“Baldo!” ani Kevin. 

Hirit naman ni Vien Iligan-Velasquez: “Daniel, kilala mo ba si Junnie Boy? Asawa ko yon!”

Sagot naman ni Kevin: “Ako nga kilala, paano pa kayo?”

TP Wild Cats as Solid KathNiel Fans

Kwento ni Kevin Hermosada,  inaya pa ni Daniel ang Team Payaman na mag basketball at nagsabi na dadayo sa Team Payaman Playhouse para makapag bonding. 

“Ito legit ‘to ha? Sabi niya ‘basketball tayo,’ dadayo daw sila don (Playhouse),” kwento ni Kevin. 

“Sabi ko ‘legit ba?’ Tapos hindi siya nagsalita, kinuha niya yung phone ko tapos binigay niya yung number niya,” dagdag pa nito. 

Halos mapuno ng hiyawan ang Payamansion sa kilig nina Viy Cortez, Clouie Dims, at Vien nang ikwento ito ni Kevin. 

Inudyukan naman ng Wild Cats si Kevin na i-set na ang kanilang basketball match kasama ang Team Payaman. 

Agad naman nagpadala ng mensahe si Kevin kay Daniel at nangako ang aktor na i-schedule ang kanilang laro sa lalong madaling panahon. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.