Sinalubong ng Payaman Insider boys ang Bagong Taon sa isang masaya at makabuluhang talakayan sa episode na “New Year’s RESBAK!”
“Ang New Year, we look at it as a symbol of new beginning, so there’s no better way to start your year sa pagse-set ng mga bagay na makakapag-pabuti sayo,” ani Aaron Macacua, a.k.a Burong.
Sa bagong Spotify podcast episode ng Payaman Insider, pinagnilayan nina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at guest co-host Dudut Lang ang kanilang New Year’s resolution para sa taong 2023.
Para sa Team Payaman boys, ang bagong taon ay isang pagkakataon upang magkaroon ng malinaw na layunin at suriin ang kung saan sila nagkulang sa nagdaang taon.
“New Year, New Me.” Iyan ang kadalasang linya na naririnig natin tuwing sumasapit ang Bagong Taon, hindi naman naiiba dito ang TP residents. Nang tanungin kung ano ang kanilang New Year’s resolutions, parehong makatotohanan at nakakaaliw ang kanilang mga sagot.
“Yung last year pa rin,” biro ni Junnie Boy.
Banat ni Daddy Junnie, hindi man natupad ang New Year’s resolution niya noong nakaraang taon na tumigil sa paco-computer, lalo na tuwing gabi hanggang madaling araw– magagamit niya naman ito ngayon dahil night shift siya sa pag-aalaga sa bunso nilang si Baby Alona Viela Iligan Velasquez.
Ayon naman kay Boss Keng, gusto niya sanang ma-limitahan ang pag-inom ng softdrinks; habang ibinahagi naman ni Dudut na nais niya kumayod pa sa trabaho at maging abala ngayong taon.
Para naman sa newly-engaged member ng Team Payaman, “Health is wealth,” kaya naman sinalubong nila ang taong 2023 ng fiancé na si Aki Angulo na baon ang pag-invest sa mga bagong karanasan. Binahagi rin ni Burong na gusto niya mag-travel kasama si Aki at gawin pa ang mga bagay na hindi pa nila nararanasan nang magkasama.
Ayon sa Payaman Insider boys, bawat taon sinusubukan natin i-reset ang sari-sarili nating buhay, ngunit madalas nauudlot ang mga ito. Ayon kay Junnie, maaaring hindi nagiging matagumpay ang New Year’s resolutions sapagkat minsan nagiging overwhelming ang mga bagay-bagay.
“Aminin niyo o sa hindi, kalagitnaan ng taon nakakalimutan na natin yung New Year’s resolution natin kasi sobrang busy natin sa mga bagay na ginagawa natin, ‘di ba?” ani Junnie Boy.
“Pero pagdating ng Bagong Taon kaya siya maganda, at the same time medyo healthy siya satin kasi nare-remind mo yung sarili mo, plus nagkakaroon ka ng time na makilala yung sarili mo,” dagdag pa nito.
Para sa mga host, hindi man natin makamit ang mga goals na ito, magandang practice pa rin ang New Year’s resolutions sapagkat nagkakaroon tayo ng pagninilay sa ating mga sarili.
Dagdag pa ng Team Payaman, ang pagkakaroon ng goals ay magandang paraan upang mapagnilayan ang mga bagay na dapat hindi gawin o mga bagay na kailangan nating balikan dahil sa magandang maidudulot nito.
Listen to the full episode below:
The four-month-pregnant Team Payaman power couple, Cong TV and Viy Cortez-Velasquez revealed the gender of…
Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…
Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…
To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…
The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…
Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…
This website uses cookies.