Xian Gaza Breaks Silence in a Tell-All Interview with Tita Krissy Achino

Sumalang sa isang exclusive tell-all interview ang internet sensation at entrepreneur na si Christian Albert “Xian” Gaza kasama ang nag-iisang Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu ng Team Payaman.

Ibinunyag ng 29-anyos na social media personality ang katotohanan sa likod ng mga kinasasangkutan kontrobersiya 

Who is Xian Gaza?

Nakilala si Christian Albert “Xian” Gaza bilang isang social media personality na sumikat matapos magpadala ng mensahe sa isang sikat na aktres sa pamamagitan ng billboard. 

Kilala rin ngayon si Xian bilang isang negosyante na mayroong iba’t-ibang kumpanya sa labas ng bansa. 

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media hindi lang si Xian, kundi pati ang ilan sa kanyang mga negosyo, partikular na ang isyung sa Hacienda Gaza. 

Sa isang Facebook post, inimbitahan ni Xian ang kanyang mga taga-suporta at bashers upang marinig ang kanyang panig ukol sa mga issue na kanyang kinasasangkutan.

“Kung ikaw ay isang solid follower o solid hater ko at interesado ka sa aking buhay, gusto ko lang malaman mo na nagpaunlak ako ng exclusive interview tungkol sa issue na kinaharap ko recently. Napaka-heavy. Sobrang tindi. Kumapit ka na.” aniya.

The Exclusive Interview

Sa bagong vlog ng Kris Aquino impersonator na si Tita Krissy Achino, ibinahagi nito ang eksklusibong panayam kay Xian Gaza.

Agad na inalam ni Chino kung ano nga ba ang konteksto at pinagmulan ng mga pambabatikos na natatanggap ni Xian mula sa mga netizens.

“It has something to do with my ex-girlfriend na nag-post about me last month tapos nagsunod-sunod. Ang ginawa n’ya ay nag-form s’ya ng anti-Xian movement [wherein] everyone attacks me, nagre-recruit s’ya ng more and more people sa kanyang movement” diretsahang sagot ni Xian.

Kwento ng kilalang social media personality, nagsimula ang kanilang relasyon ng dating nobya noong 2018 na natapos din sa sumunod na taon.

“I cheated on her tapos ginamit ko rin s’ya aminado ako,” pag-amin ng negosyante.

Iginiit ni Xian na kailanma’y hindi sumagi sa isipan nitong magnakaw at magkalat ng mga malaswa at pribadong video tulad ng mga ibinibintang sa kanya. Ngunit hindi naman nito itinanggi ang mga paratang sa kanya pagdating sa scamming.

“Doon sa bagay na ‘yon aminado ako. 27 people in total. Going back to being klepto, that’s not me. That’s 100% fake news!” depensa nito.

“Kailangan lang lumabas once and for all [yung baho ko], and I’m very glad. Para akong nabunutan ng tinik na alam ko one way or another lalabas at lalabas ‘to” sagot ni Xian.

Watch the full interview below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

5 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.