Matapos ipakita ang iba’t-ibang klase ng luto sa Pampano, nagbabalik ang Dudut’s Kitchen para sa isa namang nakakatakam na episode ng pagluluto at pagkain na inihanda mismo ni Team Payaman member Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang.
Sa kanyang bagong vlog, muling ipinamalas ni Dudut ang kanyang talento sa pagluluto sa pamamagitan ng paghahain ng hindi lang isa, ngunit tatlong Japanese dishes.
Kasama ang kanyang kapwa Team Pauyaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, masayang ibinahagi ni Dudut ang kanyang kaalaman sa kusina sa kanyang mga taga subaybay.
“I love cooking, I love my friends. Put them together, I love cooking for my friends,” panimula ni Dudut Lang habang sinimulan ng ihanda ang mga lulutuin sa kusina sa Payamansion.
Ayon kay Dudut, bukod sa pagluluto para sa kanyang mga kaibigan, naisipan nya ngayon taon na ibahagi rin ang kanyang mga kaalaman sa pagluluto sa kanyang higit 1.54 million YouTube subscribers.
Kasama ang kanyang special guest at best friend na si Burong, nagluto ang dalawa ng tatlong putahe na bida sa mga Japanese restaurants. Ito ay ang Pork Tonkatsu, Katsudon, at Curry Katsudon.
Sinamahan din ng dalawa ng masayang kwentuhan ang pagluluto kung saan ibinahagi nila kung bakit espesyal sa kanila ang mga Japanese food at Japanese restaurant.
“Eto guys trivia lang, para sa mga hindi nakakaalam. Isa sa mga naging unang-unang date namin ni Aki is sa Japanese restaurant,” ani Burong.
“Pagdating talaga sa mga Japanese food medyo malalim ang pinaghuhugutan namin,” dagdag pa nito.
Para husgahan ang kanilang mga inihandang putahe, inanyayahan ni Dudut ang kanyang longtime girlfriend na si Clouie Dims at ang fiance na ni Burong na si Aki Anggulo.
Halos speechless naman ang dalawa sa kinalabasan ng Japanese dishes na niluto ng kanilang mga nobyo.
Sa huli, pinaalalahanan ni Dudut Lang ang kanyang mga manonood na simulan na ang kanilang pag-aaral ng pagluluto.
“Tandaan: Hindi nakakatakot ang magluto, ‘wag ka lang din matakot subukan!” ani Dudut.
Watch the full vlog below:
Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…
Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…
Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…
Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…
Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion…
They say love comes when you least expect it—at the right time, with the right…
This website uses cookies.