WATCH: Cong TV Rare ‘Fanboy Moment’ After Getting a Shoutout from Silent Sanctuary Band

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nasaksihan ng Team Payaman fans ang pagiging “fanboy” ni Cong TV. Ito ay matapos makatanggap ng “shoutout” mula sa isa sa kanyang iniidolong OPM band ang batikang YouTube content creator. 

Sa bagong vlog ni “Libre” band frontman Kevin Hermosada, ibinahagi nito kung paano siya nagsilbing tulay para matupad ang shoutout na talaga namang nagpakilig kay Lincoln Velasquez. 

Meet your idols

Noong nagdaang “Bluebay Walk Music Fest,” nakasama ng banda ni Kevin Hermosada ang iba’t-ibang sikat na OPM sa bansa, kabilang na ang idolo nila na Silent Sanctuary

Bago pa man maganap ang nasabing music fest at nakiusap ang Team Payaman headmaster kay Kevin na humingi ng shoutout sa Silent Sanctuary, partikular na sa bokalista nitong si Sarkie Sarangay. 

Maging si Kevin ay hindi napigilan kiligin ng makita, makausap at maka-bonding pa ang mga idolo. 

“Nakakanginig eh pag nakita mo yung idols mo,” ani Kevin. 



Screenshots from Kevin Hermosada’s vlog

A True Fan

Bago pa man maging bokalista ng sarili nyang banda na COLN, isa nang ganap na fan ng OPM music at OPM bands si Cong TV

Noong 2018 makikita sa mga vlogs ng 31-anyos na YouTube content creator ang hilig nito sa rock music. Isa sa mga unang videos na mapapanood natin sa channel ni Cong ay ang music video parody nito ng kantang “Rebound” ng Silent Sanctuary

Kaya naman hindi nakapagtataka na hindi pinalampas ni Cong ang pagkakataon na makapagpa-shoutout sa kanyang idolo. 

Mission Accomplished

Samantala, matapos makipag bonding sa miyembro ng Silent Sanctuary, malugod namang pinaunlakan ng mga ito ang hiling na shoutout ni Cong. 

“Happy New Year, sir! Sana nandito ka Cong, minsan punta ka sa gig namin tapos inom tayo. Tyaka congrats sa baby niyo, sa asawa mo, hi din,” bati ni Sarkie.


Mission accomplished si Kevin sa hiling ni Cong na halos walang paglagyan ang ngiti ng mapanood ang nasabing video. 

Halos napahiyaw at napahiga pa ito sa sobrang saya, lalo na ng bigkasin ng banda ang catchphrase na nagpasikat kay Cong. 

“Sobrang saya pre,” ani Cong TV.

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

2 hours ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

5 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

23 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

2 days ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

3 days ago

This website uses cookies.