Cong TV Reacts to Baby Kidlat’s First Meal: ‘Naiiyak Ako!’

Bilang mga first-time parents, hindi pinalalampas nina Cong TV at Viy Cortez ang pagkakataon na ma-dokumento ang mga milestone sa buhay ng kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Nitong January 5, 2023 ay ipinagdiwang ng YouTube power couple ang ika-anim na buwang kaarawan ni Baby Kidlat. Ito rin ang hudyat upang simula ng kumain ng solid foods ang sanggol.

Pero bakit kaya tila naging emosyonal si Daddy Cong sa unang pagkain ng kanyang unico hijo?

Kidlat’s First Meal

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez ang kauna-unahang beses na pinakain nila si Baby Kidlat ng solid food. 

Ayon kay Viviys, pinili nilang bigyan muna si Kidlat ng puree or mashed avocado na may halong gatas para sa kanyang unang kain. 

“Pag BLW (Baby-Lead Weaning), siya yung mismong susubo pero dapat daw ready ka emotionally don, physically, mentally kasi mabubulunan yung bata. Ngayon magpu-puree muna kami para sure,” paliwanag ni Viy Cortez. 

Susundin din aniya nila ang 3-day rule kung saan bibigyan nila si Kidlat ng parehong klase ng pagkain sa loob ng tatlong araw upang ma-obserba kung magkakaroon ito ng allergic reaction. 

Very hands-on dad naman ang peg ni Cong TV na sya mismong naghanda ng kakainin ng kanilang panganay. 

Present din ang mga Team Payaman Titas para masaksihan ang milestone na ito ni Baby Kidlat.

Emotional Daddy Cong

Ikinatuwa naman nina Mommy Viy at Daddy Cong ang reaksyon ni Baby Kidlat sa kanyang unang pagkain. Tila nag enjoy ito at hinihila pa ang kamay ng kanyang daddy papalapit sa kanyang bibig para kumain ulit. 

Ngunit sa kalagitnaan ng pagpapakain sa kanilang unico hijo at tila naging emosyonal ang first-time dad na masaksihan ang nasabing milestone. 

“Naiiyak ako, baka bukas ikasal na ‘to!” ani Cong TV. 

Sa kabila nito, excited naman ang soon-to-wed couple na makasama na si Baby Kidlat sa kanilang araw-araw na pagkain. 

“Kumakain ka na din! Sabay-sabay na tayong kakain next ng Samgyupsal!” biro ni Daddy Cong. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

35 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

41 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.