Carding Magsino Dares Team Payaman in a ‘No Crying While Slicing Onion Challenge’

Isang panibagong mind blowing trivia na naman ang hatid sa atin ng resident physical therapist at walking encyclopedia ng Team Payaman na si Carding Magsino. 

Pero bukod sa pagpapaulan ng facts at trivias, baon ngayon ni Carding ang isang munting eksperimento na sasagot sa hiwaga ng pag-luha tuwing naghihiwa ng sibuyas.

The Curious Mind

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Carding ang kanyang naging pag-aaral tungkol sa sibuyas at ang taglay nitong kakayahan na magpaiyak ng mga taong naghihiwa nito.

Bago pa man simulan ang kanilang eksperimento, ipinaliwanag muna ni Carding kay Burong ang dahilan sa likod ng pagpatak ng mga luha habang naghihiwa ng sibuyas.

“Yung onion herb s’ya. Specifically, sa Genus Allium Family s’ya nabibilang. Ang sibuyas pag hinihiwa mo, may inilalabas sya na volatile chemical. Ibig sabihin, mabilis mag-evaporate [yung] chemical. Pag nag-evaporate s’ya, napupunta s’ya sa mata mo. Yung nangyayari doon sa chemical na ‘yon, nagiging sulfuric acid s’ya,” paliwanag ni Carding.

Nilinaw din nito na hindi nakakabulag ang paghihiwa ng sibuyas. Bagkus, naglalabas ang mata ng luha upang hindi mabulag ang sinumang maghihiwa nito. 

“Eh paano maiiwasan ‘yun? Para ‘di ka maiyak?” tanong ni Burong.

Upang masagot ang katanungan ni Burong, inanyayahan ni Carding ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa Payamansion para sa isang eksperimento.

The Onion Challenge

Sa tulong ng Team Payaman Wild Dogs, nagsagawa ng isang eksperimento si Carding upang matunton ang ilan sa mga paraan upang maiwasan ang pag-iyak habang naghihiwa ng sibuyas.

Hinati ng TP vlogger sa tatlong grupo ang kanyang mga kasamahan sa Payamansion upang makatulong sagutin ang ilan sa mga katanungan ni Burong. 

Ang unang grupo ay kinabibilangan nina Carlo Santos, Steve Wijayawickrama, at Kuya Terio, na sumabak sa normal na paghihiwa ng sibuyas.

Steve: “I feel the hitting in my eyes! You know I don’t cry. Nobody can make me cry like in a span of little minutes. ”

Kuya Teryo: “Pre, naiiyak na ako eh!”

Napagtanto ng unang grupo na hindi talaga maiiwasan ang pag-iyak habang naghihiwa ng sibuyas dala ng reaksyon ng mga mata sa kemikal na taglay ng nito.

Sunod na sumabak sa eksperimento ang pangalawang grupo na kinabibilangan nina Dudut Lang, Rhomil Francisco, at Mic Sabino.

“Lagyan natin ng twist! Yung sibuyas na ginayad nila is frozen!” paliwanag ni Carding.

Ayon sa pangalawang grupo, wala silang naramdaman na kahit anong hapdi sa mata dahilan upang lumabas ang kanilang mga luha.

Paliwanag ni Carding: “Kasi kapag frozen sila [onion], mas naiiwasan yung pag evaporate ng kemikal. Mas hindi s’ya nag-ooxidise pagka frozen”

Ang huling grupo na sumabak sa eksperimento ay sina Boss Keng, Kuya Inday, at Paul. Inatasan naman ni Carding ang mga ito na ilabas ang kanilang mga dila habang naghihiwa ng sibuyas. 

“Ang akala ko, kapag nakadila ka, mas maiiyak ka. Ngayon, napansin ko na lang na hindi pala ako naiiyak!” pagbabahagi ni Boss Keng.

“Ang weird nga eh. May something dito sa sibuyas?” suspetya ni Paul.

“Yung singaw nung kemikal, hindi sa mata nila napunta, sa basang dila nila” paliwanag naman ni Carding.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Powers Up at SM Center Muntinlupa

The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…

4 hours ago

YNO Serenades Fans on Wish 107.5 Bus with Their Latest Single

Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat  ng kanta…

13 hours ago

Clouie Dims Explore Vietnam’s Must-Try Foods with Team Payaman Girls

Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…

3 days ago

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

4 days ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

5 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

7 days ago

This website uses cookies.