Yiv Cortez Shares Holiday Celebration the Cortez Family Way

Dahil new year, new vlog din ang hatid ng Team Payaman Next-Gen Sweetheart na si Yiv Cortez, ang nakababatang kapatid ni Viy Cortez na muling nagbabalik sa mundo ng vlogging.

Ibinahagi nito ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya Cortez-Velasquez, at iba pang pamilya ng Team Payaman.

Pre-Christmas

Sa bagong vlog ni Yiv Cortez, sinagot na nito ang recap ng ilan sa mga kaganapan sa kanyang buong holiday break mula sa pag-aaral.

Ayon sa kanyang ate Viy Cortez, hindi ito makakapag-upload ng kanyang New Year vlog kung kaya ibinida naman nito ang New Year vlog ng 18-anyos na kapatid. 

“Nagsariling sikap siya ng edit sa vlog na ‘to! Sana all kaya mag-edit wahahah!” ani Viviys.

Sinimulan ni Yiv ang kanyang vlog sa pagbabahagi ng paghahanda ng mga regalo para sa kanyang mga kapatid, mga magulang, at mga pamangkin.

At syempre, may POV rin si Yiv mula sa mga naging munting salo-salo, at exchange gift noong pasko.

Bukod sa kanilang Christmas Eve celebration, ibinahagi rin ni Yiv ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng matagumpay na VIYLine Year-End party na pinamunuan ng kanyang Ate Viy at Ate Ivy Cortez-Ragos.

Una nang binigyan ni Yiv ng room tour ang mga manonood dahil namangha siya sa modern bahay kubo-theme room ng Casa Carlita Resort sa Lipa City, Batangas. 

“Andito na kami sa resort and look, napakaganda n’ya! Bahay kubo tapos may aircon! Ang ganda!” kwento ng dalaga.

Kinaumagahan ay hindi pinalampas ng Team Cortez ang pakikipag-laro sa cute na cute na si Baby Kidlat.

Year-End Vlog

Ipinasilip din ng bunso ng Cortez Family ang mga kaganapan sa kanilang paghahanda para sa pagsalubong sa Bagong Taon. 

Nanatili ang mga miyembro ng Team Payaman at kani-kanilang pamilya sa isang resort sa Tagaytay, Silang, Cavite.

Bago pa man tuluyang salubungin ang bagong taon, sama-samang nag salo-salo ang bawat pamilya at game na game na sumabak sa mga palaro na pinamunuan nina Cong TV at fiance nitong si Viy.

At syempre, hindi pinalampas ng Team Payaman ang pagkakataong mag-suot ng mga damit na hango sa color of the year, aka Viva Magenta.

Samantala, bago naman umuwi ay nagbahagi si Yiv ng isang magandang reyalisasyon mula sa kanyang naging karanasan noong 2022.

“Na-realize namin na punong puno kami ng gala noong 2022. Ang dami naming pinuntahan noong 2022, grabe, sobrang saya!” ani Yiv.

“Alam mo, yung pera napagtatrabauhan, pero yung memories, hindi!” dagdag naman ng kanyang Ate Ivy.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
232
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *