Viy Cortez to Give Away Pre-Loved Clothes, Shoes, and More During VIYLine’s ‘Freeviys Sale Part 2’

Tapos na ang Pasko pero hindi pa rin tapos si Viy Cortez sa pamimigay ng regalo sa kanyang masusugid na taga-suporta at mga suki ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare.

Sa pagpasok ng taong 2023, hatid ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang ikalawang yugto ng “Freeviys Sale” matapos ang matagumpay na 12.12 Grand Decemberific Sale. 

Pero bukod sa libreng VIYLine Cosmetics o VIYLine Skincare products, may karagdagang mga regalong naghihintay sa mga loyal supporters ni Viviys. 

Pamaskong Handog Part 2

Sa pagsalubong ng Bagong Taon, inanunsyo ni Viy Cortez na ang Freeviys Sale Part 2 ay gaganapin sa darating na Martes, January 10, 2023. 

Isiniwalat na rin nito ang mga ipapamigay na regalo para sa lahat ng mag-oorder sa nasabing one-day pamigay sale. 

“Ang dami kong i de-declutter na damit, sapatos, pabango etc! Pati mga Cong Clothing ni Cong na old design! Isasama ko nalang sa mga oorder ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare  sa Jan 10,” ani Viviys sa isang Facebook post

Samantala, nitong January 3 ay ipinasilip naman ni Viviys ang mga damit na naghihintay sa mga maswerteng mamimili. 

“Wala pa ako sa kalahati,” ani Viy kalakip ang isang litrato kasama ang kanyang mga “pre-loved but well-loved” clothes na isa-isang tinatanggal sa kanilang walk-in closet. 

“Buy any VIYLINE product (shopee,lazada and tiktok shop) on Jan 10! May 1 FREE ITEM ka na at may chance ka pa makakuha ng preloved items namin ni cong. promise wala ng macacancel,” dagdag pa nito. 

Paliwanag ng VIYLine CEO, imbes na ibenta ang kanyang mga lumang damit, sapatos, at pabango ay ipamimigay na lang nya ito bilang regalo sa lahat ng oorder sa darating na January 10 Sale. 

Add to Cart na!

Manatiling nakatutok sa opisyal na Facebook page ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare para sa iba pang mas nakakapanabik na pasabog para sa gaganaping New Year Freeviys Sale ni Viviys.

Ano pang hinihintay nyo, mag add to cart na sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng VIYLine at i-check out ang inyong mga order pagpatak ng alas-dose ng madaling araw!

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

7 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.