Yow Andrada Opens Up About Life-Changing Decision and Short-Term Goals for 2023

Tuwing sasapit ang bagong taon, usong-uso ang pagkakaroon ng “New Year’s Resolution” o yung mga bagay na nais mong baguhin sa iyong sarili o nakagawian. Pero imbes na New Year’s Resolution ay ibinahagi ni Yow Andrada ang kanyang short-term goals na nais matupad ngayong 2023.

Sa kanyang bagong vlog, buong tapang ding inilahad ng tinaguriang “content material” ng Team Payaman ang naging life-changing decision na ginawa niya noong 2022. 

Career Growth

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bukod sa vlogging ay pinasok na rin ni Anthony Jay Andrada, a.k.a Yow, ang pag-aartista. Kung dati ay lumalabas lang ito sa mga music video, noong 2022 ay sumabak na rin ito sa acting matapos mapabilang sa Net 25 sitcom na “Quizon CT.”

What is that something you did for this year na sobrang hindi mo malilimutan?” tanong ni Yow sa kanyang masugid na manonood. 

Para kay Yow, ito ay ang pagsali sa nasabing gag show at pagtupad sa kanyang pangarap na maging isang ganap na aktor. 

“For some reason ito yung desisyon ko sa buhay na talagang nag open sa eyes ko kung anong meron sa paggawa ng gag show or in an internet slang called content,” ani Yow. 

Dahil dito, sinusubukan din aniya niyang gawin sa kanyang mga vlogs ang mga natutunan sa paggawa ng TV show. 

Short-Term Goals

Samantala, ibinahagi rin ng naturang Team Payaman member ang kanyang mga “short-term goals” na nais matamo ngayong 2023. 

Unang una na riyan ay ang mapabilang siya bilang aktor sa isang pelikula. 

“Alam ko suntok sa buwan, pero alam ko din na mahaba ang aking braso para suntukin yung buwan,” paliwanag ni Yow. 

Isa rin sa kanyang nais magawa ngayong taon ay ang maka-trabaho ang tinaguriang “Star for All Season” ng Philippine Showbiz na si Vilma Santos. 

Ayon kay Yow, kung noong nakaraang taon ay binigyan siya ng pambihirang pagkakataon para masampal ng nag-iisang “Diamond Star” Maricel Soriano, ngayong taon ay nais naman niyang masampal ni Ate V!

Isa pa sa mga goals ni Yow ngayong taon ay magkaroon ng mini-series para sa karakter nyang si Waldo. Kaya naman nanawagan ito sa kanyang 2.58 million subscribers na tulungan siya na mag-isip ng ideya para sa niluluto niyang “Waldo Series.”

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

3 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

3 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

4 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

4 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

5 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

5 days ago

This website uses cookies.