Dudut Lang Shares Lesson From Recent Tragic Accident

Kakaibang content ang hatid sa atin ng Team Payaman Wild Dog na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, kasabay nito ay ang isang paalala para sa kanyang mga kapwa motorista.

Kamakailan lang ay naging biktima ng aksidente si Dudut kung kaya ibinahagi nito ang ilan sa mga dapat isaalang-alang bago sumabak sa pagmamaneho. 

Munting Paalala ni Dudut Lang

Sa kanyang bagong vlog, isinalaysay ni Dudut ang mga kaganapan matapos siyang ma-aksidente habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Bagamat sugatan, hindi pa rin ito napigil na gawing katuwaan ang kanyang sinapit. Sa halip na malungkot ay ibinahagi rin ni Dudut ang ilang paalala at leksyon na natutunan sa insidente. 

Nag-ala reporter naman si Team Payamn headmaster Cong TV at tinanong si Dudut kung anong masasabi nito sa kanyang mga kapwa motorista

“Dumadating po ang aksidente sa pinaka-hindi inaasahan o ineexpect natin na oras kaya lagi po natin dapat tandaan na doble-ingat,” sagot ni Dudut.

Tragic Experience

Kwento ni Dudut, gamit nya ang motorsiklo ni Cong TV nang maganap ang aksidente. 

“Yung motor po ni Cong TV na gamit ko, wala masyadong tama! [Pero ako], tinamaan!” ani Dudut.

“Sa pag-iimbestiga namin, I’m running 50 eh. May dumating, Nissan Patrol na gold. Pasok akong ganyan, nauna na s’ya so, yung nandito sa tingin ko sa [peripheral vision], blindspot na kasi nga may dumaan. Pasok na ako sa middle lane. Pagpasok ko motor lane, andun na yung buhangin” depensa ni Dudut.

Binanggit naman ni Cong TV ang kanilang pakay sa pagbalik sa pinangyarihan ng insidente. Ayon sa 31-anyos na vlogger, nagbabakasakali silang makakuha ng CCTV footage upang balikan ang kaganapan sa nasabing insidente.

Team Payaman to the Rescue

“We’re all in this together” ika nga ng TP Wild Dogs kung kaya’t kanilang inaalalayan si Dudut sa pagpapagaling, partikular na sa paglilinis ng kanyang mga sugat.

Nabanggit din ni Dudut na ang nobya nitong si Clouie Dims ang kadalasang naglilinis ng kanyang mga natamong sugat.

Isa rin sa mga bagay na hirap pa si Dudut sa unang apat na araw matapos ang aksidente ay ang pag-ligo,  kaya naman nagpatulong ito sa kanyang mga kasama sa Payamansion.

Matapos ang ilang beses na pagtatanong at paghahanap ng magpapaligo kay Dudut, buong tapang itong sinamahan ni Kevin Hermosada sa pagligo.

Bago tapusin ang vlog, nagpabaon ng isa pang paalala si Dudut na kanyang napagtanto matapos sapitin ang aksidente.

“Ang sarap kasi talagang mag-motor. Ang sarap sa feeling, ang bilis ng byahe, at syempre, nakakaiwas ka sa traffic. Nung araw na ‘yon, katulad ko, naka-helmet naman ako, hindi ako nakainom, at hindi rin naman ako ganun ka-bilis. Pero wala eh, hindi mo talaga masasabi kung kailan darating ang aksidente kaya kailangan lagi kang handa at syempre, doble-ingat!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

5 hours ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

5 hours ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

7 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

This website uses cookies.