IT’S A YES: Team Payaman’s Burong and Aki Now Officially Engaged!

Isa na namang Team Payaman power couple ang nagpapatunay sa katagang “kung mahal mo, pakasalan mo!” Yes na yes, dahil officially engaged na sina Aaron Macacua, a.k.a Burong at Aki Angulo!

Naganap ang nakakaantig na wedding proposal ni Burong sa nagdaang Christmas Party ng Team Payaman sa Payamansion. 

The Plan

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Burong ang ilan sa mga kaganapan bago tuluyang surpresahin ang kanyang longtime girlfriend na si Aki at alukin ito ng kasal.

Ayon sa vlogger, matagal na nyang pinag-isipan ang desisyon para mag propose kay Aki ngunit hindi lang malaman kung kailan ang tamang timing para dito. 

Kaya naman naisip nyang isabay ito sa Christmas Party ng Team Payaman para mas maging memorable ang lahat

“Ngayon ko na gagawin yung matagal ko ng gustong gawin, sobrang tagal na neto, mga ilang buwan ko ng pinagpa-planuhan kaso hindi ko talaga alam kung  papano,” kwento ni Burong. 

“Talagang oras yung magsasabi kung kailan, kaya ngayong Christmas party ready na akong mag propose kay Aki,” dagdag pa nito. 

The Proposal

Sa tulong ng buong Team Payaman, naisakatuparan ang simple pero nakaantig ng puso na wedding proposal ni Burong kay Aki Angulo.

Inaya ni Burong na sumali sa larong “Pinoy Henyo” ang kanyang nobya, pero lingid sa kaalaman ng dalaga ay kasabwat pala ang buong tropa sa kanyang plano. 

Sa loob ng ilang segundo, sinubukan ni Aki na hulaan ang salitang “Singsing” habang hawak na ni Burong ang engagement ring na iaalay sa kanya. 

Bagamat bigong mahulaan ang sagot, laking gulat naman ng dalaga ng tanggalin ang piring sa kanyang mga mata at makitang nakaluhod sa harap nya si Burong hawak ang isang maliit na pulang kahon. 

“Kahit hindi natin nahulaan  yung sagot sa Pinoy Henyo, pero ako sigurado akong ikaw yung sagot sa buhay ko. Kaya love, will you marry me?” ani Burong na umani ng hiyawan mula sa buong Team Payaman.

Wala namang paglagyan ang saya ni Aki at masayang sumagot ng “oo” sa alok na kasal ni Burong. 

 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

32 minutes ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

15 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

18 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

3 days ago

This website uses cookies.