Team Payaman Releases Christmas Station ID for 2023?

Espesyal ang taong ito hindi lang dahil sa mga biyaya na natatanggap ng Team Payaman, kundi dahil hatid din ng grupo ang kanilang kauna-unahang Christmas Station ID. 

Mula sa preparasyon hanggang sa opisyal na music video, walang pag-aalinlangan ibinahagi ng TP Wild Dogs ang naging proseso sa kanilang pagluluto ng orihinal na Christmas Station ID ng Team Payaman.

The Preparation

Sa isang vlog ni Kevin Hermosada, ibinahagi nito ang naging preparasyon para sa isang regalong tiyak na kagigiliwan ng kanilang mga taga-suporta.

Mula sa pagpaplano, pag-record, hanggang sa paglabas ng kanilang Christmas Station ID, talaga namang pinaghandaan ng Team Payaman Wild Dogs ang kanilang munting regalo para sa mga manonood.

Pinangunahan na ni Team Payaman Headmaster Cong TV ang paghahanap ng mga aawit para sa kanilang Christmas Station ID.

At syempre, punong abala rin si Kevin Hermosada sa pakikipag-pulong sa kanyang mga kapwa musikero upang maisakatuparan ang kanilang plano.

Siyam na araw bago ang kanilang paghahanda ay agad nang nakipag-sosyo si Kevin sa 6Cyclemind guitarist na si Ryan Sarmiento, at iba pang miyembro ng nasabing OPM band para sa kanilang opisyal na recording.

Pagbalik sa Payamansion, agad naman sumalang sa kantahan ang ilang miyembro ng Team Payaman para sa Christmas song na isinulat mismo ni Kevin. 

2023 Christmas Station ID?

Sa opisyal na YouTube channel ni Cong TV ay inilabas ang music video ng Christmas Station ID ng Team Payaman. Bagamat tapos na ang Pasko, biro ni Cong TV na ang naturang video ay “advance” Christmas Station ID para sa taong 2023. 

Cong TV: “359 days na lang pasko na ulit ibig sabihin nun ay ilang daang araw na lang Pasko na naman. Ang bilis talaga ng panahon. Kaya ito ready na ang aming Station ID para sa inyo.”

Present sa nasabing music video sina Cong TV, Junnie Boy, Mentos, Kevin, CardingYoh, Burong, Dudut, at ng bandang Libre na game na game sumabak sa kantahan bilang handog sa kanilang mga manonood.

Hindi naman nagpahuli ang mga netizens sa paghatid ng kanilang reaksyon para sa niluto ng Team Payaman Wild Dogs para sa madla.

Denzel Salazar: “Thank you for this Christmas station ID. Hoping this will be released on Spotify, ganda ng song sobra!”

April Calindong: “Angas lupet super ganda ng song. Merry Christmas and advance happy new year tp!”

H&M: “Solid to, simple pero tagos talaga. May pusong tunay!”

Kristelle_: “It reminds me of Kuya Will’s song (kinda) HAHAHA but I love it! [I like] Dudut and Yow’s voice!”

Watch the music video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

22 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.