Viy Cortez’s Unique Christmas Gift to Cong TV, Top Trending!

Bago matapos ang taon, hindi nagpahuli si Viy Cortez at muling nag ala Santa Claus sa pamimigay ng regalo sa kanyang pamilya at mga kaibigan. 

Viral din ngayon sa social media ang kakaibang Christmas gift ng 26-anyos na vlogger sa kanyang longtime boyfriend at fiance na si Cong TV.  Ano nga kaya ang pamaskong handog ni Viviys sa kanyang pinakamamahal?

Payamansion’s Secret Santa

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez ang kanyang mga regalo sa bawat miyembro ng Team Payaman, maging sa anak ng ilan sa mga ito. 

Sa ginanap na Christmas Party ng Team Payaman sa Payamansion nitong December 22, isa-isang binigyan ni Viviys ng regalo at ampao ang mga kapwa TP Wild Cats

“Andito na tayo sa exciting part! Ito ay galing sa amin ni Cong!” ani Santa Viviys patungkol sa mga cash gift para sa Team Payaman kids. 

Biggest Christmas Gift

Sa nasabi ring vlog ay ibinahagi ng first-time mom ang mga bigating regalo at surpresa sa kanyang mga magulang at kapatid. 

Pinagdiwang din ng Pamilya Cortez ang kaarawan ng pangaya na si Ivy Cortez-Ragos sa pamamagitan ng isang masayang hapunan. 

“Si Ate, pitong taon na s’yang nagtatrabaho sa VIYLine, ibig sabihin ng pitong taon ay naglalako pa lang kami ng lip tint kong water-based, and’yan na s’ya. Deserve ng ate kong mabigyan nito [cash]. Pamasko ko na rin sa kanya ‘to,” paliwanag ni Viy.

“Wow, thank you so much, Viy! Promise!” sagot ni Ivy matapos matanggap ang dalawang bundle ng limang daang piso. 

Matapos surpresahin ang kanyang ate, hindi rin pinalampas ni Viy ang pagkakataon na pasalamatan ang kanyang Mama at Papa sa pamamagitan ng isang munting regalo.

Tumataginting na cash din ang regalo ni Viviys para sa kanyang magulang dala ng kanilang pag-alalay, sipag at pagsisilbing mata at paa ni Viviys sa kanyang negosyo.

But wait, there’s more! Hindi hinayaan ni Viviys na walang matatanggap ang fiance nitong si Cong TV kung kaya’t kanya rin itong sinupresa.

“Lumipas na yung pasko. Akala siguro ni Cong wala akong regalo sa kanya. Pero guys, mayroon ako sa kanyang gift!” ani Viviys sabay pakita ng isang paper bag. 

Laking tawa naman ni Viy nang buksan ni Cong ang kanyang regalong litrato ng sarili sabay sambit ng: “Ako! Ako yung regalo!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.