Viy Cortez Showers Employees with Gifts, Prizes, and Rewards at VIYLine Year-End Party

Sama-samang nag-saya ang mga empleyado at big bosses ng VIYLine Group of Companies (VGC) para sa kanilang Year-End Party 2022 na ginanap sa Lipa Batangas nitong December 27.

Bagamat pansamantalang naantala ang nasabing pagdiriwang, hindi pa rin ito napigilan si Viy Cortez sa paghahatid ng saya sa kanyang VIYLine girls and boys.

A December to Remember

Ipinagdiwang ng buong pwersa ng VIYLine Group of Companies ang pasko sa Casa Carlita Resort sa Lipa City, Batangas. 

Bukod sa mga VIYLine girls and boys, present din ang buong pamilya Cortez sa pangunguna ni Mr. Rolando Cortez, Mrs. Imelda Cortez, Yiv Cortez, Ivy Cortez-Ragos at pamilya nito. 

Bago dumeretso sa nasabing party, ibinahagi muna ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang larawan ng kanyang pinamiling papremyo at regalo para sa mga palaro at bigating pa-raffle.

“For my VIYLine fam! Nausog ang party namin dahil sa magdamagang pagbabalot sa 12.12 sale pero ang mga pasabog hindi mauusog!” ani Viviys sa isang Instagram Story post. 

Disney Themed Party

Kada taon ay iba-iba ang tema ng Christmas Party ng VIYLine, kung noong nakaraang taon ay nag-ala KPop ang lahat, ngayong taon naman ay rumampa ang mga ito suot ang kanilang Disney-themed costumes. 

Present sa nasabing party ang iba’t-ibang Disney characters gaya nina Snow White, Moana, Tinker Bell, Minnie Mouse, Cruella Deville, Maleficent, Woody, Jessie, Buzz Lightyear, Olaf, at marami pang iba. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng VIYLine Media Group (VMG) ang mga litrato ng mga empleyado na rumampa suot ang kanilang costume. Kanya kanya namang boto ang netizens kung sino ba ang dapat parangalan ng Best in Costume. 

Matapos ang gabi ay inanunsyo na ni Viviys ang tatlong empleyado na mag-uuwi ng tumataginting na cash prize.

3rd Prize – P10,000
Malificient

2nd Prize – P20,000

Buzz Lightyear

1st Prize – P30,000

La Muerte

Extravaganza Raffle

At syempre, hindi kumpleto ang pagdiriwang kung walang bonggang raffle draw na hatid ng nag-iisang Viy Cortez.

Handog ng butihing CEO ang mga bigating appliances gaya ng: 

  • Tornado fan
  • Rice cooker
  • Air fryer
  • Electric Oven
  • Skincare items
  • Refrigerator
  • Aircon
  • Washing machine
  • 43” na Smart TV

At syempre, walang umuwing luhaan dahil ang lahat ng dumalo ay binigyan ni Viy Cortez ng P1,000 at noche buena package!

Special Awards

Samantala, hindi na rin pinalampas nina Viy Cortez at VGC General Manager Rolando Cortez (a.k.a Papa Wow) ang pagkakataon upang parangalan ang mga natatanging empleyado na nagpamalas ng kakaibang dedikasyon at pagmamahal sa kanilang trabaho.

Ayon sa mag-ama, laking pasasalamat nila sa sipag at tiyaga ng bawat isa at kanilang susuklian ito sa pamamagitan ng munting pamaskong handog.

Bukod mga certificate of appreciation, ginulat ni Viviys at Papa Wow ang kanyang mga empleyado sa bonus cash incentive. Kabilang sa mga pinarangalan ay ang mga sumusunod:

Extra Mile Award — P10,000

  1. Via Bagabaldo (VMG)
  2. Richelda Barrot (Cosmetics Department)

Workplace Excellence Award — P10,000

  1. Alvin Yambao (VMG)

Highest Sales Award — P10,000

  1. Rachelle Anne Dimaano (Business Process Management)

Team Player Award — P20,000

  1. Tin Piamonte (VMG)

 Years of Service Award — P50,000

  1. Kha Villes (Cosmetics Department)

Employee of the Year — iPhone 14 Pro Max & P20,000

  1. Claudine Cajara (Finance Department)

Labis labis din ang pasasalamat ni Viy Cortez sa dedikasyon ng bawat isang VIYLine boys and girls at nangakong magiging mas masaya ang kanilang pamamalagi sa VIYLine sa susunod na taon. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

20 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.