Masayang sinalubong ng Team Payaman ang Pasko sa pamamagitan ng isa na namang epic Christmas Party na puno ng regalo, palaro, at parangal.
Suot ang kanilang red at pink color motif para sa taong 2022, nagdaos ng Christmas Party ang buong pwersa ng Team Payaman sa pinakasikat na content house sa bansa, ang Payamansion.
Present ang buong trop maging ang mga Team Payaman kids na sina Mavi, Baby Kidlat, at Baby Viela.
Bilang parte ng kanilang tradisyon, ang Christmas Party ng Team Payaman ay oras din ng pagpaparangal sa mga natatanging miyembro.
“Itong Team Payaman Awards ay binibigay sa mga best at mga worst na tao dito sa Team Payaman,” ani Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu na siyang host sa nasabing party.
Kabilang sa mga pinarangalan ay ang mga sumusunod:
“Lahat ng magagandang awards tinanggihan ko, ito lang yung tinanggap ko!” biro ni Cong TV matapos tanggapin ang kanyang parangal.
At syempre, hindi kumpleto ang Team Payaman Christmas Party kung wala ang mga kwelang palaro.
Sa pangunguna ni TP Game Master Boss Keng, mas naging masaya ang Christmas Party dahil sa mga palaro gaya ng “Supsupin mo ang Ice Cream, Beybe!” at “Lick My Peanut, Beybe!”
Samantala, nagbahagi rin ng kani-kanilang wish sa Pasko ang ilang Team Payaman members gaya nina Kevin Hufana, Tin Piamonte, Kha Villes, at iba pa.
Watch the full vlog below:
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
This website uses cookies.