Team Payaman Families Shine in Holiday-Themed Photoshoot

Hindi lang mga parol ang kumukutikutitap ngayon Pasko dahil nagningning din ang mga litrato ng ilang Team Payaman Power Families sa kanilang holiday-themed photoshoot.

Bilang pagpupugay para sa mga natanggap na biyaya ngayong taon, sumalang sa family photoshoot ang pamilya nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, at newly-engaged couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

CongTViy First Family Photoshoot

Sa kani-kanilang mga Facebook posts, ibinahagi ng Team Payaman power couples ang mga litrato kalakip ang kanilang pagbati ng Maligayang Pasko sa kanilang mga taga-suporta.

Sa isang Facebook post, pinangunahan ng first time-mom na si Viy Cortez ang pagbabahagi ng kanilang family shoot kasama ang fiance nitong si Cong TV, anak na si Baby Kidlat, at furbaby na si Cheesecake. 

Viy Cortez: “Merry Christmas to all! This holiday season is even more special because of our new little bundle of joy! He has brought so much happiness and love into our home. Sending love from our family to yours!” 

Hindi rin nagpahuli si Daddy Cong The Vlogger sa pag-flex ng kanyang kauna-unahang family shoot. Sa isang Facebook post, siya rin ay nagbahagi ng isa pang bersyon suot ang kanilang Christmas pajamas.

Cong TV: “May sarili na akong Pamilya guys. Ang saya mag family picture lalo andiyan na si kidlat. Birthday mo Lord pero kami yung may regalo. Thank you po ulit!! Merry Christmas sa inyo mga Paa!”

Ang nasabing family photoshoot ng Cortez-Velasquez family ay naisakatuparan sa tulong ng The Baby Village Studio, na opisyal ring photographer ni Baby Kidlat sa kanyang monthly shoots. 

JunnieVien Christmas Photoshoot

Hindi naman nagpahuli ang Iligan-Velasquez family sa kanilang Christmas-themed photoshoot entry, kasama ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya, si Baby Alona Viela.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa mga litrato nilang mag-anak bilang pagbati sa kanilang mga taga-suporta ngayong taon.

Vien Iligan-Velasquez: “Merry Christmas from Iligan-Velasquez Family”

At syempre, mayroon ding solo pic ang magkapatid na Mavi at Viela na talaga namang nagpa-antig sa puso ng mga netizens.

Mavi: “Merry Christmas, everyone! —Von & Viela!”

At syempre, hindi mawawala ang couple photos ng mag-asawang JunnieVien para sa kanilang annual holiday-themed photos.

Watch the BTS vlog here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

20 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.