Viy Cortez Looks Back on Malaysia Trip with Cong TV and Baby Kidlat

Hindi pa natatapos ang Singapore-Malaysia vlog ng YouTube power couple  na sina Cong TV at Viy Cortez, dahil hatid na naman ni Viviys ngayon ang kanilang Malaysia adventure. 

Kasama ang buong pamilya nina Cong TV, at anak nitong si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, kanilang ibinahagi ang ilan sa kaganapan sa The Only Truly Asia Country, ang Malaysia.

Spontaneous Malaysia Trip

“Welcome to Malaysia!” panimula ng grupo sa bagong vlog ni Viy Cortez.

Una nang pinuntahan ng mag-anak Velasquez ang isa sa mga kinagigiliwang pasyalan sa bansa, ang Legoland sa Johor Bahru, Malaysia. 

Bukod sa pamamasyal, kaliwa’t-kanan rin ang posing ng pamilya Velasquez para sa mga litrato na magpapaalala ng kanilang masayang karanasan sa nasabing bansa.

Bago pa man magpatuloy sa travel vlog ay saglit na ipinahatid ni Viviys ang kanyang emosyon matapos maisakatuparan ang kauna-unahang bakasyon ng kanyang pamilya.

“Gusto ko lang sa inyo i-share kung gaano ako kasaya na after how many months, nakakagala na kaming pamilya. At talaga namang tinupad ni Cong yung pangako nyang saka nalang daw s’ya babawi ng paggagala kapag kasama na kaming dalawa [ni Kidlat],” ani Viy.

Matapos maglibot sa Legoland ay rekta na ang Team Payaman sa pagkain ng ilang mga sikat na putahe sa nasabing lugar.

“Ang sarap nitong chicken, manamis-namis!” panimula ni Viviys matapos nitong subukang mag-ala food analyst sa Legoland Malaysia.

Pagkatapos mabusog ay diretso sila sa mga buwis-buhay adventures sa pangunguna nina Ate Acar at Ate Lyn, na kilalang mga katuwang nina Cong at Viy sa pag-aalaga kay Kidlat.

Unang sinakyan nina Ate Acar at Ate Lyn ang mala-Jungle Log Jam na ride sa Legoland na kung saan game na game itong sumabak sa basaan.

Kuala Lumpur Escapade

Matapos ang kanilang masaya at wild na Legoland Adventure ay namasyal naman ang Team Velasquez sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ipinasilip din ni Viy Cortez ang kanilang hotel room na nasa likod lang ng Petronas Twin Tower, na kilalang tourist attraction sa nasabing bansa.

“Ang ganda ng twin tower!” ani Viviys.

Kinabukasan naman ay ipinagshopping ni Viy sina Ate Acar at Ate Lyn bilang pasasalamat sa pag-aalaga kay Baby Kidlat..

Diretso girls night out naman sina Viy, Ate Acar, at Ate Lyn upang makapag-relax relax matapos ang kanilang matagumpay na pagsa-shopping. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.