Team Payaman Welcomes Newest and Youngest Member in Payamansion

Masayang sinalubong ng Team Payaman ang pinakabago at pinakabatang miyembro ng kanilang grupo sa Payamansion. Ito ay walang iba kundi ang bunsong anak nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 25-anyos na mother-of-two ang pagsalubong ng kanilang malalapit ka kaibigan at pamilya kay Baby Alona Viela Iligan Velasquez. 

Hello, Baby Viela!

Unang bumisita sa ospital ang mag nobyo at kapwa Team Payaman members nilang sina Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang at Clouie Dims. Sumunod din agad sina Pat Velasquez-Gaspar, Boss Keng, Kevin Hufana, at  Kha Villes. 

“Viela, I’m your fairy godmother! I’m your ninang, ibe-braids kita,” bati ni Kevin Hufana. 

Kanya kanyang gigil ang mga tito at tita kay Baby Viela na para sa kanila ay hawig ni Mommy Vien at Venice Velasquez, isa sa mga kapatid ni Cong TV. 

Welcome Home, Viela!

Sa pag-uwi ni Viela, isang simpleng welcome home decorations ang inihanda ng kanyang mga tito at tita, sa pangunguna ni Tita Pat at Tito Kevin. 

“This is for you, Viela and Vien, and Velasquez family,” ani Pat. 

“Our baby girl, our first baby girl,” sagot naman ni Kevin. 

Naki-abang din sa kanyang bagong pinsan ang panganay nina Cong TV at Viy Cortez na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Pagdating ng Pamilya Velasquez, kanya kanyang gigil muli ang mga tito at tita sa Payamansion sa pangunguna ni Tita Viy. 

“Huy sobrang cute, sobrang liit! Baby girl talaga, ang liit! Ang liit ng mukha nya,” ani Viviys habang karga si Baby Kidlat. 

Wala ding paglagyan ang ngiti sa mukha ni Tito Cong TV sa pagdating ni Viela. 

“Tulo laway pa ang baby! Parang tatay nya, naglalaway!” ani Tito Cocon.

Isa-isa ring dumalaw sa Payamansion ang proud lolo at lola ni Baby Viela na todo ingat bago lapitan ang munting sanggol. 

Bago umakyat ang mga lolo at lola sa kwarto nina Vien ay siniguro munang negative ang mga ito sa Covid Antigen test at todo alcohol bago makita si Viela. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.