Viy Cortez Promises VIYLine Team a Prosperous Christmas After the Success of 12.12 Sale!

Doble kayod ngayon ang buong pwersa ng VIYLine Group of Companies para maipadala ang higit 250,000 parcel orders mula nagdaang 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale. 

Dahil dito, nangako si VIYLine CEO Viy Cortez sa kanyang mga empleyado ng masaganang Kapaskuhan bilang pasasalamat sa kanilang sipag at tiyaga. 

12.12 Success

Noong Dec. 12, 2022 ay naganap ang pinakamalaking “PAMIGAY SALE” ng VIYLine Cosmetics, VIYLine Skincare, at TP Kids, kung saan milyon-milyon ang halaga na pinamigay na freebies ni Viy Cortez sa kanyang mga suki at taga-suporta. 

Bukod kasi sa libreng produkto sa bawat orders, nagkaroon din ng tyansa ang karamihan na manalo ng pang malakasang papremyo gaya ng motor, 55-inch TV, iPhone 14 Pro Max, 20,000 pesos, at marami pang iba. 

Nagtala rin ng record-breaking sales ang VIYLine dahil pumalo lang naman ng 250,000 ang pumasok na orders sa nasabing one-day sale. 

Bukod dito, noong Dec. 12 ay hinirang din si Viy Cortez bilang Top 1 TikTok Creator  at Top 1 TikTok Shop sa bansa! Paawer!

Merry Christmas, VIYLine Fam!

Dahil sa tagumpay ng VIYLine Cosmetics, VIYLine Skincare, at TP Kids, puspusan ngayon ang pagtatrabaho ng buong pwersa ng VIYLine para maipadala ang sangkatutak na orders mula sa 12.12 Sale. 

Non-stop ang ginagawang pagbabalot ng orders sa main office sa Biñan City, Laguna para masigurong matanggap ng mga mamimili ang Pamaskong Handog ni Viy Cortez. 

Nakiusap din ang 26-anyos na vlogger at entrepreneur sa mga customer na habaan ang pasensya sa paghihintay ng kanilang mga orders. 

“Simula mamayang gabi may night shift na pong packer! 24/7 na ang magbabalot ng mga orders nyo. please pahintay po and papindot na din ng extend shopee guarantee,” ani Viviys sa isang Facebook post. 

Samantala, siniguro naman ng first-time mom at CEO na tiyak na magiging merry ang Christmas ng kanyang mga empleyado sa oras na matapos ipadala ang lahat ng orders. 

“Sa VIYLINE FAMILY ko babawi ako sa inyo sa Christmas party pangako yan! Pero bago mag christmas party ma lumpo muna kayo kakabalot ng 250k ORDERS!” ayon sa VIYLine big boss.

“Sa viyline fam ko sisiguraduhin ko iiyak kayo sa saya sa christmas party natin! Ngayon iyak muna kayo sa mga babalutin,” dagdag pa nito.  

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.