Boss Keng, Pat Velasquez-Gaspar Shares Anniversary Celebration in Batanes

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng YouTube power couple na sina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang kanilang unang taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Bukod sa pagbabahagi ng kanilang pagbubuntis, sinalubong din ng dalawa ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang bakasyon sa Batanes. 

Batanes Escapade

Sa bagong vlog ni Pat, ibinahagi nito ang ilan sa mga masasayang kaganapan sa pagbisita sa dream destination nilang mag-asawa na natupad sa tulong ng GotMarked Tours.

“So guys, andito kami ni Boss Keng sa Batanes dahil we’ll be celebrating our first anniversary. Ito talaga yung dream destination namin. Guys grabe, ang ganda dito!” pagbabahagi ni Pat.

Matapos libutin ang kanilang hotel room, diretso na sa kainan ang mag-asawang PatEng.

“Si Keng nagpa-request ng Adobo. Ako naman nagpa-request kung pwedeng pinakbet,” kwento pa ng 25-anyos na vlogger.

Habang kumakain ay nabusog din sila Mr. and Mrs. Gaspar sa makapigil hiningang tanawin ng Batanes.

“Sarap alagaan ng nature kasi parang aalagaan ka rin n’ya. Ganun yung tingin ko sa nature ‘eh,” saad ni Boss Keng.

Matapos kumain ay nagtungo naman ang mag-asawa sa ospital para sa isang pagsusuri upang masiguro ang kalusugan ni Pat habang nagbubuntis.

“Confirmed! For the UTI si girl. Kailangan kong mag-antibiotic na okay for pregnant. So iniintay ko si doctora kung anong ipe-prescribe n’ya sa akin. Sana makabili ako rito,” ani Pat.

Batanes Adventure

Sa ikalawang bahagi naman ng kanyang vlog, ibinahagi rin ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilan sa mga aktibidad na sinubukan nilang mag-asawa.

Para sa ikalawang araw sa Batanes, pumasyal sina Boss Keng at Pat sa Chawa View Deck na may tanawing animoy nasa ibang bansa. 

Sunod na binisita ng mag-asawa ang Mahatao Boat Shelter Port na ayon sa kanilang tour guide ay ang pinaka-malaking proyekto ng gobyerno sa nasabing probinsya noong 2005.

Matapos kumain ay diretso ang Gaspar couple sa Racuh a Payaman, kung saan sinubukan ni Boss Keng ang magpalipad ng drone upang ibahagi sa vlog ang kagandahan ng Batanes.

“Grabe naman ang drone master! Grabe naman ang mga shot na ‘yon! Galing ni Boss Keng, dabest!” biro ni Pat.

Hindi rin pinalampas ng mag-asawa na mabisita sa ilang mga kilalang pook sa Batanes gaya ng San Carlos Borromeo Church, House of Dakay, San Lorenzo Ruiz Chapel, at Batanes Rock Formation.

Sinulit din nina Boss Keng at Pat ang kanilang Batanes adventure sa pagpunta sa Morong Beach upang magtampisaw at mamasyal.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.