Masayang sinalubong ng longtime partners na sina China Roces at David Santos ang buhay mag-asawa noong ika-8 ng Disyembre.
Kasama ang ilang matalik na kaibigan at pamilya, masayang ipinagdiwang ng mag-asawang China at David ang kanilang pinakahihintay na kasalan.
Si Geraldine C. Santos, a.k.a China Roces ang mukha at utak sa likod ng negosyong Glamoroces at China Roces Bags.
Pero bukod sa pagiging negosyante at vlogger, kilala rin si China sa kanyang pagmo-model, pagiging radio personality, at pag-arte.
Kamakailan lang ay nagkaroon din ng proyektong short film si China Roces kasama si Viy Cortez sa ilalim ng VIYLine Media Group (VMG).
Noong Dec. 8, 2022, ay ikinasal na ang aktres sa long-time boyfriend nitong si David Santos sa Parañaque City Hall.
Nanatiling sagrado ang nasabing kasal sapagkat matalik na kaibigan at pamilya lamang ang inanyayahan ng aktres.
Sa isang Facebook post, buong galak na ibinahagi ni China ang isa sa hindi nya malilimutang kaganapan sa kanyang buhay.
“I am married not only to my second half but to my bestfriend. Hindi ko alam ang tamang caption..Basta ang alam ko masaya ako kasi may taong nagmahal at umako na sa akin,” ani China kaakibat ang ilang wedding photos nila ni David.
“My soulmate is now my husband..Mahal ko david mamahalin kita for better or for worst.. I am now a.k.a China Roces 32 years old married to David Santos 40 years old.. I am now Geraldine C. Santos.. Thank u lord❤️ GLAMOROCES coffee!!” dagdag pa nito.
Sa nasabi ring Facebook post, bumuhos ang mga nakakaantig na pagbati mula sa mga taga-suporta, pamilya at kaibigan ng aktres.
Janice Dizon: “Congrats!”
Tugue Zombie: “Congratulations ate China and Kuya David!”
Rolando Banaria Cortez: “So thankful to God, so happy for you! Congratulations on your wedding! Nawa’y sumainyo lagi ang grasya ng Diyos”
Cathy Caet Operiano: “Congrats to you both Ms. China. You deserve to be loved and taken care of. God bless you both”
The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…
Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta…
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
This website uses cookies.