Team Iligan-Velasquez Hosts Giyang-Muy Vien Christmas Party

Bago pa man isilang ang kanyang bunsong anak ay naging punong-abala muna si Vien Iligan-Velasquez para sa isang early Christmas Party.

Kasama ang ilang mga empleyado at mga kaibigan mula sa Team Giyang at Muy Vien, matagumpay na ipinagdiwang ng grupo ang kanilang taunang Christmas Party.

Giyang & Muy Vien

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Team Payaman member Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa mga masasayang kaganapan sa kanilang maagang pamasko para sa Team Giyang at Muy Vien.

“Kasi ngayong December, kabuwanan ko na. Uunahan na natin ang mga Christmas party kasi baka ngayong December, mapanganak ako, hindi na ako makasama,” paliwanag ni Mommy Vien.

Ayon sa maybahay ni Junnie Boy, nirentahan nila ang Rox Retreat sa Los Baños, Laguna upang gawin venue para sa kanilang munting salo-salo.

Isang tumataginting na 10% off discount ang naghihintay sa mga manonood na nais magsagawa ng Christmas party o get -togethers sa Rox Retreat. Gamit lang ang code na “Vien4RoxRetreat” na maaaring gamitin mula November 25, 2022 hanggang January 31, 2023.

Sa nasabi ring vlog ay nilibot ni Mommy Vien ang buong resort para sa mga nais magpa-reserba ng kanilang slot.

Parlor Games

Labis na naging masaya ang Team Giyang at Muy Vien Christmas Party dala ng mga kakaibang parlor games na inihanda nina Vien at Junnie Boy.

Una na nilang pinalaro ang Paper Plate Art kung saan ang unang team na may pinaka-malapit na drawing sa nabunot na Christmas  icon ay siyang tatanghaling panalo.

Sinundan naman ito ng Flip Tac Toe na kung saan kailangan makapag flip ng cup ang mga manlalaro ng nakatayo para makapaglagay ng isang cup sa flick tac toe board.

At syempre, hindi rin nawala sa palaro ng Guess The Logo kung saan ang taong unang makakaipon ng dalawang puntos ang makakatanggap ng cash prize.

Maswerte namang naiuwi ni Michael Magnata, a.k.a Mentos ang tumataginting na cash prize na sponsored by Team Velasquez.

Hindi kumpleto ang Christmas Party kung walang pa-raffle ang mga host para sa kanilang mga kaibigan at empleyado.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

2 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

2 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

2 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

3 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

4 days ago

This website uses cookies.